• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUNSHINE, na-trauma at nag-regret sa ginawang detailed ‘house tour’ para sa vlog

ISA sa mga pinakapumatok na vlog ang house tour ng mga sikat na personalidad.

 

 

Ngunit hindi malayong makatawag ito ng pansin ng mga masasamang-loob, at ang temang ito nga ang ipapakita ng bagong pelikula ni direk Roman Perez, Jr. na siya ring direktor ng Adan (2018), The Housemaid (2021) at Taya (2021).

 

 

Ang House Tour ay isang sexy, heist thriller movie na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, Rafa Siguion-Reyna, at Cindy Miranda.

 

 

Ang award-winning actress na si Gabby (Sunshine) at ang kanyang asawang si Franco (Rafa), na dating manlalaro sa Olympics, ay naninirahan sa isang mala-resort na tahanan. Mula dito ay matatanaw ang bulkang Taal. Bilang mga sikat na vloggers, pinagbigyan nila ang hiling ng kanilang mga viewers na magpa-house tour. Ang bawat sulok ng kanilang napakaganda at napakalaking bahay ay makikita sa kanilang digital channel na C Zone.       Sa kasamaang palad, isang grupo ng akyat-bahay gang ang nakapanood nito at pinag-aralang mabuti ang pasikut-sikot sa kanilang bonggang bahay.

 

 

Nang malaman nila mula sa isang post ni Gabby na wala ito sa bahay ng buong linggo, umaksyon na agad ang leader na si Markus (Mark Anthony), kasama ang kanyang kapatid na si Raims (Diego), ang girlfriend ni Raims na si Ely (Cindy), at ang isa pang miyembro na si Buddy (Marco).

 

 

Nang mapasok na nila ang bahay ng mag-asawang Franco at Gabby, inangkin nilang parang bahay nila ito. Hindi nila inasahang uuwi si Franco. Hindi maiiwasan ang kanilang pagtatapat. At habang naglalabanan, may mga lihim tungkol sa bawat isa ang maglalabasan.   Ang pagiging “feel at home” ng bawat isa ay mauuwi sa “kill at home”. Sa House Tour na ito, hindi sapat na gustuhin lang ang mga nakikita, dapat malagpasan ang mga pangyayari.

 

 

Sabi nga sa tagline ng pelikula, “Like and SURVIVE.”

 

 

Sa cast, si Sunshine talaga ang naka-relate sa kanyang role dahil isa rin siyang vlogger, na umaming nagka-trauma dahil sa ginawa niyang detailed house tour dahil sa request ng kanyang followers.

 

 

“Trauma ang nangyari sa akin Two weeks na hindi ako lumabas at hindi ako puwedeng walang kasama,” pahayag ng sexy star.

 

 

Pasalamat na lang talaga si Sunshine na walang masamang nangyari sa kanya at ‘di rin siya ninakawan.

 

 

“Lesson learned sa akin na nag-house tour ako sa bahay ko. Nag-regret talaga ako na masyadong detailed. Hindi ko dapat ipinakita nang buong-buo mula sa pagpasok sa gate at kung saan ko inilalagay ang mga gamit ko sa loob ng bahay. Kasi later on may dumating sa bahay na stalker,” kuwento pa niya.

 

 

Sabi pa raw ng stalker kay Sunshine,mahal na mahal daw niya ako at poprotektahan niya ako kasi may a-attack daw sa akin.

 

 

Dagdag payo pa ng kwelang sexy star, “Kung plano ninyong magpa-house tour, pag-isipan ninyong mabuti as in 10 times, para hindi nyo pagsisihan.

 

 

 

Lahat ng bida sa House Tour ay hindi na iba sa Vivamax. Si Cindy ay bumida sa Nerisa. Si Diego ay nagpamangha sa kanyang malawak na emosyon sa Death of a Girlfriend.

 

 

Naging very entertaining ang launching movie ni Sunshine na Kaka. Todo-bigay si Marco sa sexy movie na Silab. Bumida rin si Mark Anthony sa horror movie na Biyernes Santo. Si Rafa ay gumaganap na itim na dwendeng si Markadan sa seryeng Puto na pinapalabas rin sa Vivamax.

 

 

Siguradong magiging pasabog ang pagsasama-sama nila sa House Tour. ‘Wag palampasin at ito ay ekslusibong ipalalabas sa Vivamax simula Oktubre 22, 2021.   Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. Sa halagang P499, pwede nang makuha ang VIVAMAX PLUS. Sa pamamagitan ng special feature na ito, maaari nang mauna sa pag-stream ng gusto niyong pelikula isang liggo bago ang regular playdate!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Cha-cha aprub na sa Kamara

    LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panawagang pag-amyenda sa 1987 Constitution o Charter change.     Sa botong 301 pabor, anim kontra at isang abstention ay ganap na naipasa ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 na nanawagan ng reporma sa ekonomiya sa pamamagitan ng Constitutional convention (Con-con) bilang paraan ng […]

  • Heart, excited na sorpresang once-a-week romantic drama

    SA Balesin Island Club sa Polilio, Quezon nagpalipas ng New Year ang Escudero Family, si Sorsogon Governor Chiz, ang wife niyang si Queen of Creative Collaboration na si Heart Evangelista at ang twins niyang sina Quino at Chessi.      Mahal ng mag-asawang Chiz at Heart ang Balesin Island, dahil kung matatandaan, doon ginawa ang […]

  • DERRICK, ang tapang na sabihin na mahal na mahal niya si ALDEN at never nainggit

    SA isang IG live interview ni G3 San Diego ay tinanong si Derrick Monasterio about kung hindi ba ito naiinggit sa kasikatang tinatamasa ni Alden Richards.     Sagot ni Derrick kahit daw katiting ay hindi siya kakikitaan ng pagka-inggit kay Alden na kasabay niyang nag-start sa showbiz.      “I love Alden. Brother ko ‘yun ever since The […]