Superliga beach volleyball, kinansela
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
TULUYAN nang kinansela ng Philippine Superliga ang kanilang Beach Volleyball Cup dahil sa pananalasa at matinding epekto sa bansa ng super bagyong Rolly.
Sinabi ng PSL na nagkasundo na lamang sila na ituloy sa Pebrero 2021 ang kompetisyon.
Ayon sa ulat, target sanang isagawa ng beach volleyball nitong Nobyembre 26-29 sa Subic Bay na binubuo ng 16 koponan pero dahil sa epekto ng bagyo ay napagdesiyunan nilang kanselahin na muna ito.
Dagdag pa ng PSL, matinding deliberasyon sa pulong ang kanilang ginawa upang talakayin ang isyu na naghatid sa kanila sa nasabing desisyon.
Magugunitang tanging ang PSL lamang na non-professional sports at women’s league ang siyang inaprubahan ng IATF para sa pagsasanay at kompetisyon.
-
Halos P280-M na halaga ng tulong, naipamahagi sa mga apektado ng oil spill
INIULAT ng National Task Force – Mindoro oil spill sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa halos Php280 million na ang halaga ng tulong na naipamahagi na sa mga residenteng apektado ng oil spill. Ito ay sa gitna ng patuloy na pagkilos ng buong gobyerno para tiyakin […]
-
Suporta sa atletang sasabak sa Tokyo Olympics, tuloy – PSC
Siniguro ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner William “Butch” Ramirez na tuloy ang kanilang buong suporta sa mga atletang lalahok sa 2021 Tokyo Olympics. Nangako ang PSC ng buong suporta kahit pa tinapyasan ng gobyerno ang kanilang pondo dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Isiniwalat ng PSC, na aabot sa P1.3 billion ng […]
-
ICU beds sa NCR ‘high risk’
Nasa “high risk” na ang occupancy rate ng intensive care unit (ICU) beds sa National Capital Region dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19. Sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Abril 18, ang ICU utilization rate sa Metro Manila ay nasa 84% na; 73% sa Cordillera […]