• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suplay ng NFA rice, sapat para sa mga Kadiwa store-PBBM

MAY sapat na bigas ang  National Food Authority (NFA) para suplayan ang mga Kadiwa store ngayong Kapaskuhan.
Pinangunahan kasi kahapon, araw ng Sabado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “surprise inspection” sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City.
Nais kasi  ni Pangulong Marcos na personal na i-check ang suplay ng bigas.
Sinabi ng Pangulo na nais niyang masiguro na may sapat na suplay ng bigas na mabibili sa murang halaga sa lahat ng Kadiwa outlets.
“This is already the season na naglalabas na ng bigas, so tuluy-tuloy na siguro ito para naman matiyak natin na ang Kadiwa ay hindi mauubusan ng commodities na ipagbibili at a good price na P25,” ani Pangulong Marcos.
“Tinitingnan ko kung saan manggagaling ‘yung ‘supply na pinagbibili natin sa mga Kadiwa. So, pinuntahan ko muna kung may laman naman ‘yung mga warehouse at merong parating pa nga,” dagdag na wika ng Pangulo.
At sa tanong kung sapat ang suplay ng bigas, sumagot si Pangulong Marcos sa mga mamamahayag na “Oo, mukha naman, so far. Nabawasan kasi, talagang binawasan natin ‘yung importation, doon natin kinukuha sa production. So okay, I think we’ll be alright.”
Gayunman, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan na mahigpit na  i-monitor ang suplay ng bigas dahil  makaaapekto sa produksyon ang “masamang panahon.”
“Pero, siyempre, kailangang bantayan nang husto iyan. ‘Pag tinamaan na naman tayo ng masamang weather, mararamdaman na naman natin ‘yan sa supply ng palay, ng bigas,” ayon sa Pangulo.
Si Pangulong Marcos ay umuupo rin bilang Agriculture secretary.
Ukol naman sa suplay ng sibuyas, sinabi ng Pangulo na tinutugunan na ng gobyerno ang problema hinggil dito.
“Ang nangyayari ngayon is that we’re finding a way. Ang daming nahahanap ngayon na smuggler na kinukuha namin. As quickly as possible, naghahanap nga kami ng paraan kasi usually ‘yan kakasuhan mo pa bago i-auction. By the time i-auction mo ‘yan, wala na, sira na ‘yan. Kaya sabi ko hanap tayo ng paraan para mailabas kaagad, mailagay sa market lahat ‘yan. So ‘yun ang pinag-aaralan namin ngayon, anito.
“Baka by next week meron na tayong solution,” aniya pa rin
Tinatayang may P3.9 milyong halaga ng imported white onions na di umano’y smuggled ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Divisoria, Maynila. (Daris Jose)
Other News
  • Razon sinagot ang COVID-19 vaccines ng mga Olympic-bound athletes at coaches

    Hindi na dapat mag-alala ang mga national athletes at coaches na sasalang sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Sasagutin ni businessman Enrique Razon ang pagbibigay sa mga national athletes at coaches ng vaccines para sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang pagpunta sa nasabing quadrennial event sa Hulyo.     “We would like […]

  • PDU30 pormal ng tinanggap ang VP candidate nomination ng ruling party

    Malugod na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon sa kanya ng PDP-Laban bilang vice presidential candidate sa 2022 national elections.     Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa National Convention ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Proclamation of Candidates for the 2022 National and Local Elections ng […]

  • Gobyerno, handang magbenta ng iba pang ari-arian sa Japan

    MAAARING magbenta ng iba pang ari-arian ang pamahalaan maliban real estate assets sa Japan kung kakailanganin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang maraming pondo para sa mga pangunahing programa nito.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil tinitiyak naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat […]