Suporta sa panukalang DPWH district office sa BARMM
- Published on November 4, 2022
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ng isang Mindanaon solon ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng.
Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, napakaraming daan at tulay ang napinsala sa pananalasa ng nakaraang bagyo, at marami dito ang hindi madaanan, bagay na nagpapahirap sa pagpapadala ng tulong sa mga mamamayang nasalanta ng kalamidad.
Sinabi pa nito na mahalaga ang pagtatayo ng isang tanggapan ng DPWH sa BARMM na mangangasiwa hindi lamang sa pagkumpuni ng mga nasirang imprastraktura dulot ng bagyo, kundi pati na rin sa patuloy na implementasyon ng national projects na pinopondohan ng pamahalaan.
Noong nakaraang kongreso, naghain ang mambabatas kasama ang iba pang kongresista mula sa BARMM ng isang resolution na humihiling na magtayo ng National DPWH office doon.
Ipinanawagan ito ng mambabatas noong 18th Congress kung saan nakapaloob sa House Resolution 333 na inhain ng mambabatas kasama sina Maguindanao Reps. Datu Roonie Sinsuat Sr. at Esmael Mangudadatu, Sulu Rep. Munir Aribson, Tawi-Tawi Rep. Rashidin Matba, Lanao del Sur Reps. Yasser Balindong at Ansaruddin Adiong at Anak Mindanoa Partylist Rep. Amihilda Sancopan ng Anak Mindanao, na pawang mga kinatawan sa 18th Congress noon ang paglalagay ng dpwh district office.
“Nakita na natin noon na may kahirapan ang implementasyon ng national infrastructure projects sa BARMM dahil sa kawalan ng national office ng DPWH dito. Sayang lamang at hindi naisabatas o nagawa ang nilalaman ng ating resolusyon noon,” pahayag ng mambabatas.
Idinagdag nito na isang praktikal na mungkahi ang pagbubuo ng district engineering office ng DPWH sa bawat lalawigan ng BARMM upang mapangalagaan ang mga pambansang daanan o national highways, kaya ito isinulong ng mga Bangsamoro representatives noong 18th Congress.
Ito ay upang maiwasan aniya ang pagkakaroon ng turuan kung sino ang mangangalaga ng mga kalsada pagdating ng panahon. (Ara Romero)
-
Utang ng PhilHealth sa Red Cross lumobo sa P623 milyon
Muling lumobo ang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC). Sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC na simula nitong Disyembre 1 ay mahigit sa P623 milyon ang utang ng PhilHealth. Giit ni Gordon, patuloy pa rin tataas ang bayarin ng PhilHealth dahil araw-araw ay may P25 […]
-
Cellphone ban sa klase inihain na sa Senado
Isinulong na sa Senado ang panukalang ipagbawal ang paggamit ng mobile device at electronic gadgets sa mga paaralan sa oras ng klase. Sa ilalim ng Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 2706) na inihain ni Sen. Sherwin Gatchalian, sakop ng panukala ang mga mag-aaral sa kindergarten hanggang senior high school sa mga pampubliko at […]
-
Nagbigay ng official statement sa paglisan ni Sen. Ping… MONSOUR, advocacy na ma-implement ang ‘Healthcare Heroes Card’ pag naging Senador
NAGBIGAY ng opisyal na pahayag si Monsour del Rosario tungkol sa paglisan ni Sen. Ping Lacson sa Partido Reporma. Ayon kay Monsour, “Iginagalang ko ang desisyon ni Senator Ping Lacson na magbitiw sa Partido Reporma. Siya ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taos-pusong hangarin na maglingkod sa sambayanang […]