Suportado ng mga artista tulad nina Eric at Gladys: VILMA, parami nang parami ang nag-eendorso na maging ’National Artist’
- Published on July 4, 2024
- by @peoplesbalita
KAHIT may mga nagsusulong sa ama niyang namayapang si Dolphy ay suportado ni Eric Quizon ang nominasyon ng Star for All Seasons bilang National Artist.
Kung si Ate Vi raw ang gagawaran ng National Artist ay karapat dapat daw ang multi awarded actress.
“Ate Vi yan. Alam naman nating lahat ang body of work niya, and what she’s done for the entertainment industry. At ang kanyang contribution, eh, more than enough.
“Bukod doon ang humanitarian purpose niya, saka contribution niya hindi lang sa entertainment kundi sa sambayanang Pilipino.” Sambit pa ni Eric Quizon.
Bukod sa top rating “Vilma” kung saan naging co-host si Eric ay kung Ilang beses na ring nagkasama sa pelikula ang dalawa.
Nagkasama sina Ate Vi at Eric sa mga award winning movies na“Ibulong Mo Sa Diyos “Pahiram ng Isang Umaga” at Hahamakin Lahat “ May mga nakalinya pa sanang gagawin ang dalawa pero dahil sa sobrang bisi na ni Ate Vi ay hindi na natuloy.
Pero umaasa naman si Eric na mabigyan ng pagkakataon na magsama silang muli ni Ate Vi either sa pelikula or sa telebisyon or maiderek niya ang aktres.
Puring-puri naman ni Direk Eric si Ate Vi bilang katrabaho.
Napaka-professional daw ni Ate Vi at talagang dedicated sa trabaho at hindi raw madamot ang Star for All Seasons sa talento niya.
“Siyempre, of course, I was so privileged at a very young age, nakatrabaho ko na si Ate Vi.
“Sana siyempre, sana makatrabaho ko pa ulit si Ate Vi, “ sambit pa ni Direk Eric.
Incidentally si Eric ang magdidirek ng 40th Star Awards for Movies na gaganapin sa Irwin Lee Theatre sa Ateneo na gaganapin sa July 21.
Dahil 40th year ng Star Awards for Movies ay bibigyan ng parangal ng PMPC ang may pinakamaraming nakuhang acting awards.
Naka-walong best actress na si Ate Vi kung kaya isa sa apat na kasama sa Dekada awardees along with Cristopher De Leon, Piolo Pascual at Nora Aunor.
Isa pa rin sa matunog sa best actress award si Ate Vi sa 2024 Star Awards for Movies.
At kung papalarin pang siyam na award na ito niya ito at siya na ang may hawak ng may pinakamaraming tropeo sa pinakamahusay na aktres sa PMPC.
Nominado si Ate Vi dahil sa blockbuster MMFF movie niyang “When I Meet You in Tokyo” na hanggang ngayon ay ipinapalabas pa rin sa ibat-ibang panig ng mundo, huh!
***
LALONG nadagdagan ang mga nag-eendorso kay Vilma Santos-Recto bilang National artist.
Mahigit 25 organizations at mga grupo ang sumuporta kay Ate Vi na mapabilang sa ating National Artist.
Pati mga kasamahang artista ay nagpahayag din ang mga ito na karapat-dapat at long overdue na ang naturang parangal.
Isa sa gigil na gigil na rin at gusto na ay hinihintay na raw niya ang pagpapahayag o pagtawag sa pangalang Vilma Santos bilang National Artist ay ang premyadong aktres na si Gladys Reyes.
Sey pa ni Gladys na mula pagkabata niya ay si Vilma Santos ang nag-iisa niyang ini-idolo.
Hinding-hindi raw makalimutan ni Gladys ang unang eksena nilang dalawa ni Ate Vi sa pelikulang “Muling Buksan ang Puso” na nagkataong first movie pa rin daw yun niya, at nine years old pa lang noon ang asawa ni Christopher Roxas.
“Napakalaki ng paghanga ko at respeto sa isang Vilma Santos-Recto.
“Simula nang makasama ko siya at nine years old pa lang ako noon sa pelikulang “Muling Buksan Ang Puso” hanggang sa ngayon ay sobra ang paghanga ko sa kanya.
“Ang naabot niya sa buhay, sa lahat ng aspeto, mapa pamilya, personal, showbiz at political career, eh, sobrang deserve ni Ate Vi ang National Artist award,” sambit pa ni Ms. Gladys Reyes.
Incidentally, sa darating na Star Awards ay tatlong nominasyon ang nakuha ni Gladys.
Nominated siya sa “Darling of the Press”, “Best Supporting Actress” at sa ”Best Actress”.
(JIMI C. ESCALA)
-
PNP chief tiniyak ang agresibong pagtugis laban sa mga drug syndicate
Tiniyak ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na lalo pang palalakasin ng PNP ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga kontra sa mga sindikato na patuloy sa kanilang illegal drug trade. Ang pahayag ni Eleazar ay bunsod sa inisyal na resulta ng NBI investigation hinggil sa nangyaring fatal encounter sa pagitan ng […]
-
Isinantabi ang pasaringan: ‘We wish Mayor Isko Moreno good health”- Sec. Roque
“We wish Mayor Isko Moreno good health. We hope that he gets well soon.” Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos makarating sa kaalaman na nagpositibo sa Covid-19 ang Alkalde. Si Moreno ay bakunado na ng Sinovac. Ayon kay Sec. Roque, hindi naman talaga sinasabi ng mga eksperto na ang […]
-
P500 ayuda sa mahihirap ipapamahagi na
IPAMAMAHAGI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P500 subsidy sa mga mahihirap na pamilya bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30. Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, inaayos na lamang nila ngayon ang mga kaukulang dokumento para maipamahagi na ang ayuda. Nasa 12.4 milyong […]