• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUPPLIER NG PARTY DRUGS NATIMBOG NG PDEA AT

HULI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa umanong supplier ng party drug na ecstacy. January 13, 2021 nang ikasa ang operasyon laban sa suspek na si Jhun Cabaya alias SkyHigh 33 years old na mula sa Manggahan, Pasig.

 

Dakong alas 5:20pm nang matimbog si alyas SkyHigh ng mga awtoridad sa may bahagi ng Mother Ignacia Barangay West Triangle sa QC. Ayon sa PDEA at QCPD isang buy bust operations ang nangyari sa pagitan ng suspek at mga undercover agents.

 

Nakuha mula sa posesyong ng suspen ang 25 capsules ng fly high party drugs na may street value na aabot sa P45,000 at 300ml na liquid ecstasy na aabot ang street value sa P90,000. Mahaharap sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng  Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act si Cabaya. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Kelot na most wanted sa rape, dinampot sa Valenzuela

    ISANG 31-anyos na lalaki na listed bilang most wanted sa panggagahasa ang nasakote ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Ron Renee Candaza alyas “Enel”, 31 ng of No. 28 A. Lozada Street, Brgy. Palasan. […]

  • 13 milyong motorsiklo sa Pinas ‘di rehistrado – LTO

    TINATAYANG 13 milyong motorsiklo na tumatakbo sa lansangan sa buong bansa ang hindi rehistrado.     Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Plates Unit officer-in-charge Nivette Amber Pastorite sa pagdinig ng Senate Committeee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, 12.9 milyon motorsiklo ang tumatakbo sa mga ­lansangan na hindi rehistrado. […]

  • P703 milyong fuel subsidies, naipamahagi na sa PUV drivers

    NAIPAMAHAGI na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may P703 milyong halaga ng fuel subsidy na laan para sa mga benepisyaryong driver ng pampasaherong jeep.     Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, ang fuel subsidies ay para sa kabuuang 108,164  be­neficiaries na tumanggap ng  P6,500 kada unit kaugnay ng Pantawid […]