• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Supply agreement para sa 30 milyong doses ng bakuna laban sa Covid-19, nilagdaan ng Pinas

NILAGDAAN kahapon, Marso 10 ng Pilipinas ang supply agreement sa Novavax para sa 30 milyong doses ng bakuna nito.

 

“Nilagdaan na ang supply agreement with Novavax. Thirty million po yan,” ang anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Kamakailan ay sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na pupunta siya sa India upang pirmahan ang isang supply agreement para sa Covid-19 vaccines na ginawa ng US biotech firm na Novavax.

 

Unang sinabi ng mga opisyal na makakukuha ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng Novavax vaccine na manufactured ng Serum Institute of India (SII) sa Hulyo 2021.

 

“Pagpunta po namin sa India this coming [March] 9 and 12, pipirma din po kami ng aming supply agreement,” ani Galvez

 

“Kaya nga pupunta tayo sa India, so that we can really negotiate na magkaroon tayo nang early delivery for humanitarian reasons,” dagdag pa ng opisyal na siya ring chief implementer ng National Task Force against Covid-19.

 

Sa pagbiyahe nito sa India, binanggit din ni Galvez na ita-target niya ang isang supply agreement sa SII.

 

Aniya, “Baka magkakaroon po kami ng other supply agreement para naman doon sa AstraZeneca at saka Covishield na bibilin ng gobyerno doon sa Serum Institute of India.”

Other News
  • UST, kokoronahang overall champion ng UAAP Season 82

    Nakatakdang koronahan bilang overall champion ang University of Santo Tomas (UST) sa kinanselang UAAP Season 82 bunsod ng coronavirus pandemic.   Nadagit ng UST ang pangkalahatang kampeonato sa likod ng limang titulo sa seniors division: men’s at women’s beach volleyball, men’s at women’s table tennis, at men’s judo.   Gayunman, wala raw munang gagawaran ng […]

  • LTO sa Metro Manila, Laguna, Bataan balik operasyon na

    Nagbabalik-operas­yon na simula Lunes, Agosto 23, ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR), Laguna at Bataan.     Ito, ayon sa LTO, ay kasunod na rin ng pagbababa na ng quarantine classification ng mga nasabing lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa dating ECQ.     Sinabi […]

  • Ads February 24, 2023