• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Susunod na Pangulo ng bansa, walang magiging problema sa COVID-19 vax supply- Galvez

MAYROONG sapat na doses ng COVID-19 vaccines ang bansa kahit pa bumaba na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo 30, 2022.

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi, iniulat ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na may 200 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang i-deliver sa bansa sa susunod na taon.

 

“Nakumpleto na po ang ating vaccine up to the middle the year of 2022. Ibig sabihin ang procurement and other donations, ‘yung incoming president po wala na pong problema sa vaccines kasi yung ating ginagamit na vaccine, yung nagdedeliver ngayon para po next year na po yon,” ayon kay Galvez.

 

“Kasi 158 (million) po yun, 108 (million) lang kailangan natin for this year, yung idedeliver natin dun more or less 78 million, ito po malalaman na po natin for next year,” dagdag na pahayag ni Galvez sabay sabing “Makikita na plantsado na po ang ating procurement and other deployment to 2022 year of administration.”

 

Aniya, karamihan sa mga bakuna ay mag-e-expire o mapapaso’ sa 2023.

 

“More or less 200 million po ang darating ngayong year. Malaki ang stockpile na kayang i-hold,” ani Galvez.

 

“Karamihan na darating na vaccine especially sa J&J, nagpapasalamat po kami sa COVAX at ang kanyang expiry date is 2023 pa. Meaning ‘yung ating request ‘yung mas higher ang expiry date, naibigay po satin,” aniya pa rin.

 

Para sa linggong ito, inaasahan naman ng pamahalaan ang pagdating ng 24,473,800 doses ng COVID-19 vaccines.

 

“Here is the breakdown of the vaccines: J&J – 9,316,800 doses; Pfizer – 4,984,200 doses; Moderna – 5,208,900; Sinovac – 2,000,000 at Astra Zeneca – 2,963,900,” ayon may Galvez.

 

Iniulat din ni Galvez na mahigit sa 7 milyong kabataan na may edad na 12 hanggang 17 ang nakatanggap na ng kanilang first dose habang 2.1 milyon naman ang fully vaccinated.

 

Iniulat din niya na sa Kalakhang Maynila, nakapagtala ng 102% ng elderly population ang fully vaccinated.

 

“Nakita natin, na-break natin ang hesitancy. At the same time, 111% ang first dose. Meaning pati mga bata, nakukuha na niya po at kuha na niya po ang mga elderly niya,”ayon kay Galvez.

 

Dahil sa steady vaccine supply, target anila na palawigin ang deployment ng karagdagang doses sa general population.

 

“We might decide because of steady supply, before the end of the year, we might expand the boostering to the general population,” anito.

 

“As of December 13,” sinabi ni Galvez na may 41 milyong Filipino ang fully inoculated laban sa COVID-19, kung saan 53.20% ng adult population sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Infected ng COVID, 9.7-M na – reports

    Umaabot na sa 9,709,151 ang mga dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo.   Sa nasabing bilang, 3,904,597 (99%) ang nasa mild condition at 57,620 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.   Ang Estados Unidos pa rin ang nangunguna sa mga bansang may corona virus, kung saan may 2,504,588 cases na sila, habang 126,780 […]

  • HALOS P78-B NAI-RELEASE NA SA GOV’T RESPONSE VS COVID-19 PANDEMIC – DUTERTE

    UMAABOT na sa halos P78 billion ang nailabas ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.   Nakapaloob ito sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipinadala kahapon.   Sinabi ni Pangulong Duterte, nasa P76.228 billion ay galing sa pondong inilaan sa Bayanihan to Recover as One Act habang ang P1.753 billion ay mula […]

  • Puring-puri siya nina Chanda at Sandy… HERLENE, itinangging nali-late sa taping dahil sa ibang commitments

    MABILIS na nagpaliwanag si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol tungkol sa issue na cause of delay daw siya sa taping ng first teleserye niya sa GMA Network, ang “Magandang Dilag.”      Inuuna pa raw niya ang iba niyang commitments kaysa taping.     “Hindi po naman maiwasan ang ganoong bagay, give and […]