SWS: 91% ng mga Pinoy takot na mahawa sa COVID-19
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
Mahigit siyam sa 10 Pilipino ang nababahala na matamaan sila ng COVID-19 o ang kanilang mahal sa buhay.
Base sa survery na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 21 hanggang 25, natukoy na 91% ng mga Pilipino ang nababahalang mahawa sila o kanilang kamag-anak sa COVID-19.
Sa naturang numero, 77% ang lubhang nababahala habang 14% naman ang nagsabing bahagya lamang ang kanilang pagkabahala.
Tatlong porsiyento naman ang hindi halos nababahala, habang 5% ang hindi talaga natatakot na tamaan ng COVID-19.
Mas mataas ang porsiyento na ito ng anim na puntos kumpara sa 85% na naitala sa huling survey, na isinagawa noong Setyembre at apat na puntos na mas mataas kumapara sa record na 87% noong Mayo.
Pinakamaraming nababahalang tamaan ng COVID-19 ay ang mga respondents sa Visayas sa 96%, na sinundan ng Mindanao sa 95%, Balance Luzon sa 89%, at Metro Manila sa 85%. (ARA ROMERO)
-
Gilas Pilipinas nangangalabaw ‘Calambubble’ training camp
MARIING tinapakan na ng Gilas Pilipinas o national men’s basketball training pool ang silinyador sa pag-eensayo sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna nitong Lunes, Pebrero 8 ngayong wala ng isang linggo bago umalis sa darating na Lunes, Peb. 15. Kaugnay ito sa sasabakan ng PH quintet na third and final window […]
-
DOST, nakipag-sanib-puwersa sa US firm para sa paggamit ng AI para sa weather forecasting
LUMAGDA ang Department of Science and Technology (DOST) ng Memorandum of Understanding (MoU) kasama ang United States-based company, ‘Atmo,’ dalubhasa sa AI-guided weather forecasting. Sinabi ni DOST Assistant Secretary Napoleon Juanillo na layon ng departamento na mapahusay at makapagbigay ng mas detalyadong daily weather forecasts sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI) technology […]
-
SOFRONIO, sabik nang umuwi ng Pilipinas para makapiling ang pamilya sa Pasko
HABANG nasa Taipei, Taiwan, hindi pinalagpas ni Miguel Tanfelix ang pagkakataon na gawin ang isa sa sikat na tourist activity dito ang pagpapalipad ng lantern. Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Miguel ang video nang pagpapalipad niya ng lantern para sa bago niyang primetime show na Mga Batang Riles. Sinulatan ni Miguel ang kanyang […]