SYLVIA, nangingibabaw ang pag-arte kaya kinatutuwaan ng netizens bukod kina ANDREA at FRANCINE
- Published on April 8, 2021
- by @peoplesbalita
FIRST few episodes pa lang Huwag Kang Mangamba sa pilot week nito na nagsimula noong March 22 ay pinuri na agad ng netizens ang inspirational drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes bilang Mira at Francine Diaz bilang Joy.
Sa pagsisimula pa lang ng serye, kitang-kita na talaga ang kahusayan nina Andrea at Francine, at hindi talaga tumitigil ang kanilang followers sa pagko-comment sa pinakikitang pag-arte ng dalawa.
Lalo na yun eksenang pareho silang naaksidente, nag-agaw buhay, namatay at muling nabuhay kasabay ng muling pagtunog ng kampana sa bayan ng Hermoso.
Ilang nga sa comment ng viewers:
“Galing nilang umarte! At saka ‘yung scenes, sakto ngayon, kailangan mag-pray kay Lord.”
“Everything about this teleserye is so relevant, not just for the youth pati na rin sa whole society.”
“The moment na tumunog ang kampana, gosh. Grabe. Goosebumps tlga. At the same time, nkakaiyak kse kahit anong problema pa ang dumaan sa buhay natin, andyan Sya lagi na gumagabay at nagmamahal sa atin.”
“I hope people won’t only praise the actors, but also God who made it possible for ABS-CBN to make a teleserye like this despite the pandemic going on and ABS-CBN losing their franchise. Praise God!”
“Sakto din na pinalabas nila Ito this days kasi yun kailangan natin manalig lng sa Diyos.”
“At this time of pandemic, marami nadedepress at hopeless sa situation natin, very timely to HKM to give us hope & faith in God, to give us encouragement & peace in our hearts, to trust God patiently.”
Sa paghahanap ni Mira sa kanyang ina sa naturang bayan, makakatagpo niya ang mababait na nilalang na magpapagaan ng kanyang buhay na sina Barang (Sylvia Sanchez), Mang Caloy (Soliman Cruz) at anak na si Darling (Angeline Quinto), pati na ang young priest na si Father Seb (Enchong Dee).
Hindi naman ganung kasaya ang buhay ni Joy kasama ang kanyang ama na si Samuel (Diether Ocampo), stepsister na si Sofia (Alyanna Angeles), stepmother Agatha na si (Mercedes Cabral), at ang faith healer niyang tita na si Deborah (Eula Valdes), na nag-claim na siya ang bumuhay kay Joy dahil pinakinggan ng Diyos ang dasal niya.
Dahil sa pangyayari, magku-krus ang landas nina Mira at Joy, at sa first week pa lang ay marami na ang humuhulang may connection talaga ang dalawa, at pinagpalagay na baka nga magkapatid pa sila.
Umani nga ang dalawa ng mga papuri sa netizens dahil maayos nilang naitatawid ang bawat episodes na ngayon ay nasa ika-12 na.
“feeling ko magkadugtong buhay ni mira at joy mira – miracle joy – sayaaaa”
“Hanga ako kay Mira. Kahit anong pagsubok man ang ibinigay sa kanya ni Bro, nagtitiwala at naniniwala pa rin siya sa Kanya.”
“Ang lakas ng fighting spirit!”
“Kahit hindi na nakakasama ni Mira ‘yung Nanay niya, napakatatag pa rin niya.”
“Ang galing niya! Lumuha agad siya! Ang galing ng acting skills talaga ni Andrea Brillantes.”
“Si Joy, if I put myself in her shoes, parang ang dami niyang hinanakit. Parang clouded ‘yung faith niya pero she’s a good person. Nanggigigil lang talaga ako sa pamilya niya.”
”Yung mga emosyon nila, mga problema nila, talagang mararamdaman mo ‘yun. Isa lang ang masasabi ko. Sobrang laki ng improvement sa acting skills nila.”
“Galinggg woohh ang galing best actress talaga si andrea and francine’”
“May bago na naman akong aabangan. Not into this kind of teleserye but this is exceptional. Andrea Brillantes’ never failed to amaze me. Indeed one of the best actress of all time, kahit isama pa mga past artistas, kaya niya makipagtapatan – from Annaliza to Marga to Mira. Francine Diaz’s versatility is excellent, kudos to her. Isama pa ang mga bigating artista sa industriya na sina Ms. Sylvia Sanchez and Ms. Eula Valdes and plus may Mylene Dizon pa and one of the most underrated actress, Ms. Mercedes Cabral. Kudos sa lahat ng team.”
Sa totoo lang, pawang mahuhusay namang aktor at aktres ang mga kasama nina Andrea at Francine sa Huwag Kang Mangamba, pero mukhang nangingibabaw ang pagganap ni Sylvia bilang Barang, na may pagka-mysterious at malalim ang pinaghuhugatan ng kanyang pagkatao.
Kaya naman sa first week pa lang ng HKM, inulan ng papuri ang premyadong aktres dahil sa kakaiba at mahirap na role ang kanyang ginagampanan.
Komento nga ng netizens:
“Sylvia Sanchez acting is superb.”
“Grabe ang role ni Sylvia Sanchez dito.”
“Grabe din si Ms. Sylvia. Tumatak na agad kahit ilang seconds lang yung screentime. Can’t wait sa next episode.”
“Sylvia Sanchez napaka beterana talaga!!”
“Miss sylvia’s acting is a masterpiece.”
“Miss Sylvia Sanchez acting skills. Jusko!! Super galiiiiiiiiiiiing.”
“MISS SYLVIA SANCHEZ WALANG KUPAS.”
“Cudos to miss Sylvia Sanchez!!!❤❤❤sobrang galing ng acting!!super bagay at sobrang husay!!!”
“Yay one of the best tandem si Barang and Mira.”
“SYLVIA again nailed acting. THE BEST!”
“Sylvia Sanchez Acting is perfect✨”
“Galing Sylvia Sanchez dalang dala yung role.”
“Kudos kay Ms Sylviaaaa! Ang galing niyaaa hoyyyy.”
“Miss Sylvia with Andrea Brillantes is such an iconic duo. Maganda ang tandem nila.”
“ibang level si Ms Sylvia dito napaka husay.”
“Sylvia Sanchez is really superb!! Amazing!!”
“IBA KA TALAGA MISS SYLVIA SANCHEZ…WINNER ANG ACTING MO..”
“Ang galing ni Ms. Sylvia. Kainis !!”
“Di na ko magtataka kung bakit napaka galing ni Arjo Atayde. Napaka galing ni Ms. Sylvia Sanchez! Nasa lahi talaga.”
“shet. ms. Sylvia Sanchez!! napaka lupit.”
“Ms. Sylvia nailed her character indeed. Such a versatile actor. Btw, Francine and Blythe, idooool.”
Sa Linggong ito, marami pagbabago at pasabog sa mga characters ng Huwag Kang Mangamba na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at TV5. (ROHN ROMULO)
-
PSA at PhilPost pinapabilisan ang pagdeliver ng mga national ID
PABIBILISAN na ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang paghahatid ng PhilIDs sa mga indibidwal na nakarehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys). Nagkasundo si PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General; at ang bagong Post Master General at CEO Luis Carlos, na patindihin pa […]
-
‘Walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo’ – Duque
WALA umanong nakikitang indikasyon sa ngayon na magpapatupad ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo 9 dahil sa posibilidad ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases. Ayon kay DOH Secretary Frnacisco Duque III, tanging granular lockdowns lamang at hindi malawakang lockdown ang posibleng ipatupad kung kinakailangan. Maging ang OCTA Research Group […]
-
Hiling ni Fernandez kay Pacquiao…
Isa pang laban bago magretiro! Ito ang pananaw ni chief trainer Buboy Fernandez kung saan hangad nitong magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang boxing career ni People’s Champion Manny Pacquiao. Nais ni Fernandez na makabawi si Pacquiao matapos ang masaklap na unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis […]