Taas-pasahe sa MRT-3, hindi pa pinag-uusapan
- Published on March 17, 2022
- by @peoplesbalita
WALA PA umanong nagaganap na pag-uusap kung magtataas ng pasahe ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), sa kabila nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ayon kay MRT-3 Director for Operations Engr. Mike Capati, sa ngayon ang pokus nila ay makatulong sa mga commuters at maiwasan ang pagbibigay ng karagdagang pasanin sa mga ito.
“Wala po tayong pinag-uusapan na pagtaas ng pamasahe. Never pa po ‘yan pinag-usapan namin,” ani Capati, sa panayam sa radyo kahapon. “Ang importante tulungan muna natin ‘yung mga pasahero natin. Huwag na tayong maging pabigat pa. So far wala kaming pinag-uusapang ganyan.”
Matatandaan nitong Martes, ay sumirit muli ang mga presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ito na ang ika-11 sunod na linggo na nagkaroon nang pagtaas ng presyo ng krudo dahil sa kaguluhang nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nabatid na ilang fuel companies ang nagtaas ng presyo kada litro ng gasoline ng P7.10 habang P13.15 naman kada litro ang itinaas sa presyo ng diesel. Ang kerosene naman ay nadagdagan ng P10.50 kada litro.
-
ANAK NG MAG-ASAWANG MAMBABATAS, ITINALAGA NI PANGULONG DUTERTE NA BAGONG KONSEHAL NG MALABON
ITINALAGA ni pangulong Rodrigo Duterte ang 27-anyos na anak ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel at An Waray Party-list Rep. Florencio ‘Bem’ Noel bilang miyembro ng Sangguniang Panlunsod at kapalit ng isang konehal na may sakit. Ayon kay Lacson-Noel, ang pagkakatalaga sa kanyang anak na ngayon ay si Councilor Regino Federico ‘Nino’ Noel, […]
-
Nasa float ng Sesame Street at kumanta with the cast: LEA, kasama sa Macy’s Thanksgiving Day Parade sa NYC
IT’S true na nakasama pala sa Macy’s Thanksgiving Day Parade sa New York City last November 28 ang Filipino Broadway star na si Lea Salonga. Nakasakay si Lea sa float ng Sesame Street at nag-perform ito ng song na “Sing” kasama ang cast at mga muppets ng show. “No, it wasn’t a sunny […]
-
7 MILYON DEACTIVATED NA BOTANTE, PINAPAREHISTRO SA COMELEC PPCRV
HINIMOK ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na deactivated na ang kanilang voters registration na muling magpatala sa Commission on Elections (Comelec). Partikular na hinikayat ng PPCRV ang mga hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan lumipat ng tirahan nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na […]