Tagumpay ang romcom serye ng Puregold Channel: WILBERT at YUKII, ‘di binigo ang tagasubaybay ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile”
- Published on July 29, 2023
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na kamakailan ang pinakabagong hit na serye ng Puregold Channel ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile.
Ang isang season finale na talaga namang nakapagpasaya at nakapagpakilig sa mga tagasubabay, dahil sa wakas, nagtagpo na ang mga bidang sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), na nagpasyang maghiwalay ng landas sa nakaraang episode ng serye.
Ito na nga ang hinahangad na ‘happily ever after’ ng mga tapat na tagasunod ng ALSLNP, ilang taon na ang nakalipas mula noong nagpasya ang dalawa na lumayo at hanapin ang sarili, at ang kani-kaniyang pag-unlad.
Ipinakita rin ng finale ang pagwawakas sa iba pang aspekto gaya ng pagkakaibigan – sina Genski (Kat Galang) at Ketch (Migs Almendras). Nasaksihan din ng fans kung ano ang nangyari sa buhay ng nanay ni Bryce na si Bessie (Marissa Sanchez), at kuya ni Angge na si Cyrus (TJ Valderrama).
May pasilip din sa kinahantungan ng mga karera nina Bryce at Angge. Sumatotal, nagpamalas ng napakaraming aral ang ALSLNP sa mga realidad ng buhay, na damang-dama ng mga manonood.
Katulad ng nakaraang YouTube serye ng Puregold Channel na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, at ang premyadong Tiktok serye na 52 Weeks, tagumpay ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile dahil sa pagbibigay nito ng aliw sa 219,000 nitong subscribers, pati na rin sa mga manonood sa iba pang platform.
Sa mga numero, kita rin ang tagumpay na ito ng ALSNP. Sa YouTube lamang ang views ng episodes ay mula 150,000 hanggang 300,000. Sa mga trailer naman, mayroong 190,000 hanggang 270,000 views.
Dahil sa tuwa ng mga fan, inihahayag nila ang mga naiisip at nararamdaman sa mga komento, na puno ng mga puri at paghanga sa bawat episode.
“Isang panalo para sa retailtainment ng Puregold itong ALSLNP,” sabi ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, ang Marketing Manager ng Puregold, “Masaya kami na lumikha kami ng kuwentong ipinapakita ang kultura at pinahahalagahan ng mga Pilipino, at pati na rin ang mga napapanahong isyu.”
Hindi rin mapigil ng mga fan na ibahagi ang kanilang pagkasabik sa huling episode:
Sabi ni @easterlizaborcelis, “Grabeng ganda. Lagi akong nakaabang sa episode nito. More please.”
“Naaliw ako sa series na ito. More projects for these actors and actresses. Sarap din minsan makanapanood ng light lang na drama, may comedy pa,” dagdag ni @pril0413.
Hinikayat naman ni @danicatresvalles6461 ang Puregold na lumikha pa ng ganitong mga kuwento. “More pa sanang ganito, please, Puregold. The best ka!”
Kontento naman si @bricemendez6401 sa pagtatapos ng serye. “Nagustuhan ko talaga ito. Husay, lahat panalo! Para sa akin bu-solve na ako rito, hindi bitin, hindi na kailangan ng season 2. Naipasok na lahat ng sustansya’t aral dito sa series na ito. Pero sana magkaroon ulit ng Yukii-Wilbert projects.”
Sa kabilang banda, umaasa si @grandesorellavlog4582 na may ikalawang season pa. “Wah! Thanks Ninang Puregold. I love it. I hope may Season 2 for them. This story has a lesson for everyone na you have to be brave and take a risk to [express] your feelings to the person that is special [in] your life, so that you will have no regrets in life.”
Sabi ni Piedad sa fans ng ALSLNP at tagasubaybay ng Puregold Channel: “Nangangako kami sa Puregold na magsisilbi sa mga suki sa pinakamahusay na paraan.
Nagbibigay kami hindi lamang ng dakalidad na produkto, kung hindi pati na rin content na nagbibigay-saya at inspirasyon. Mag-subscribe lamang at abangan ang iba pang magagandang kuwento!”
Maaari pang makibahagi sa fandom ng ALSLNP at mapanood ang nakaraang mga episode, na nakatampok sa opisyal na Puregold YouTube Channel. Sa mga hindi pa nakapapanood ng huling episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, maaari ring panoorin ang finale sa YouTube.
Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa iba pang update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at i-like ang @puregoldph sa Tiktok.
(ROHN ŔOMULO)
-
Honeymoon nina ALEX at MIKEE sa Amanpulo, sobrang saya kahit naging ‘familymoon’
AFTER a week na ni-reveal ni Alex Gonzaga na naganap ang simple wedding ceremony nila ni Mikee Morado sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal last November 2020, may bago na namang ibinahagi ang tv host/actress/vlogger sa kanyang followers. Pagkalipas ng dalawang araw na sila’y naikasal, lumipad ang newly weds papuntang Amanpulo kasama ang […]
-
Anthony Davis, sumabak na uli sa ensayo; makakasama rin ng Lakers sa seeding games opener vs Clippers
Makakasama na ng Los Angeles Lakers si superstar Anthony Davis sa kanilang seeding games opener kontra sa karibal nilang Los Angeles Clippers. Una rito, hindi nakasama si Davis sa ensayo ng Lakers nitong nakalipas na araw matapos ang natamo nitong eye injury sa isa sa mga scrimmage ng koponan. Pero ngayong bisperas ng […]
-
ANG BUMBERO NG PILIPINAS PARTY LIST, UMARIBA NA
UMANGAT na sa ikalabing- apat na pwesto ang ‘Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party List batay sa isinagawang survey ng isang market research company para sa 2025-Pre Election Preferential Survey. Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Tangere mula Pebrero 11 -14, nakakuha ng 1.68 percent ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist na […]