• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tahimik lang sa update ng kanyang kalusugan: KRIS, imposible pa na maumpisahan ang sinasabing TV show

MALABO na raw na maumpisahan ni Kris Aquino ang binabanggit na pagbabalik-TV show.
Ito at ayon sa isang source na nakausap namin, mukhang imposible pa raw na mangyari ang balitang-balita na gagawa si Kris show sa Kapamilya network.
Ito ay dahil sa estado na naman ngayon ng kalusugan ni Kris.
Kaya nga sa mga nagtatanong kung ano na ang mga latest ngayon sa buhay ng Queen of All Media na ito raw ang kasagutan.
After kasi maibalita last year na magbabalik na si Kris sa telebisyon ay wala nang narinig uli mula sa kanya ang publiko.
Kahit na ‘yung katatapos na Pasko at Bagong Taon ay hindi nagparamdam ang TV host-actress sa social media niya na bibihirang mangyari.
Kumbaga, very active si Kris sa pagbabalita sa anumang kaganapan sa buhay niya.
Siyempre, marami ang nagtatanong at hindi maiaalis na sobra na siyang ma-miss ng kanyang mga loyal fans.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • Mga magulang, nais na mayroong warning labels sa Food Information

    LUMABAS sa isinagawang nationwide focus group discussions (FGDs) na karamihan sa mga magulang na pinoy at household decision-makers ang pabor sa paglalagay ng front-of-pack warning labels, dahil nakakatulong ito na mas maintindihan ang nutritional information sa isang produkto. Sa isinagawang FGDs ng ImagineLaw, isang public interest law organization, sa Luzon, Visayas, at Mindanao, nabatid na karamihan […]

  • Lahat ng security measures, gagamitin para sa inagurasyon ni BBM-DILG

    HANDANG-HANDA na ang puwersa ng estado para sa posibleng mangyaring panggugulo at banta mula sa makakaliwang grupo dahil pinaigting ang security measures sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong’’ Marcos Jr. sa  National Museum sa Hunyo 30.     Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, magiging aktibo ang Manila […]

  • Panukala na magsususpendi sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS aprubado sa komite

    Inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang mga panukala na naglalayong suspindihin ang pagtataas ng kabayaran sa kontribusyon ng Social Security System (SSS) ngayong 2021.     Ito ang House Bills 8317, 8304, 8313, 8315, at 8422 na pag-iisahin sa isang binuong technical working group (TWG) sa natrurang pagdinig.     Binigyang […]