Taiwan minaliit ang ginawang 3-day simulation target strikes ng China
- Published on April 12, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI nagpahayag ng pagkatakot ang Taiwan sa ginawang tatlong araw na simulation target strikes ng China.
Ayon sa defence ministry ng Taiwan na lalo pa nilang papalakasin ang kanilang kahandaan sa pakikipagdigma.
Maging ang US ay mananatiling nakabantay sa anumang hakbang na gagawin ng China matapos ang tatlong araw na simulation drill.
Nagbunsod ang nasabing simulating target ng China mula ng bumisita sa US si Taiwanese President Tsai Ing-wen at nakipagpulong kay US Speaker of the House Kevin McCarthy.
Iginigiit pa rin kasi ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan at kaya nila isinagawa ang military exercise dahil sa ginawa ng Taiwan president.
Sinabi ni Chinese Ministry of Foreign Affairs spokesman Wang Wenbin na kung nais ng mga bansa ng kapayapaan sa Taiwan Strait ay dapat hindi nila sang-ayunan ang anumang balak ng Taiwan na maging independent. (Daris Jose)
-
‘Back-riding’ para sa mga couple, pinayagan na
Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na ang back-riding sa mga motorsiklo ay pinapayagan na simula ngayong araw, Biyernes, July 10 ngunit para lamang sa mga couple. “Yes, simula July 10 ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na […]
-
Administrasyong Marcos, pinakikilos sa laganap na extra-judicial killings sa bansa
PATULOY ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa paghahanap ng katarungan ng mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa. Ito ang ibinahagi ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa katatapos na pagsusuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa human rights record ng Pilipinas. […]
-
‘Deleter’, big winner sa Gabi ng Parangal ng ‘MMFF 2022’: NADINE at IAN, waging best actress at best actor na, stars of the night pa
BIG winner ng horror-suspense movie na “Deleter” ng Viva Films sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 na ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, noong December 27. Nagsilbing hosts sina Giselle Sanchez, Cindy Miranda at BB Gandanghari. Si Nadine Lustre ang itinanghal na Best Actress […]