Target na ‘population protection’ sa PH hanggang Disyembre ‘di nagbabago – IATF
- Published on July 5, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi umano nagbabago ang target ng IATF na population protection bago matapos ang taong kasalukuyan.
Kung maalala dating tinatawag ng pamahalaan ang salitang herd immunity kung sakaling mabakunahan na raw ang 70 na popolasyon sa Pilipinas.
Ginawa ni testing czar Vince Dizon ang pahayag na positibo pa rin sila na makakamit ito sa gitna na may limang buwan pa bago magtapos ang 2021.
Una rito, naabot ng gobyerno ang milestone sa vaccination program nang maitala ang 11 milyon na rin na mga nabakunahan laban sa COVID-19.
Ayon kay Sec. Dizon kung tutuusin depende talaga sa suplay na makukuha ng Pilipinas ang pagsasagawa nang pagbabakuna.
Todo rin naman ang pasasalamat ang IATF sa mga LGUs sa malaking tulong para maparami ang mga nababakuhana sa kanilang mga nasasakupan.
Kung tutuusin nalampasan na DOH at IATF ang 250,000 kada araw na natuturukan ng bakuna, pero ang target daw talaga nila ay kalahating milyong katao ang mababakunahan sa kada araw. (Daris Jose)
-
Higit 582-M doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines dumating sa Phl
Karagdagang 582,500 na AstraZeneca COVID-19 vaccine doses ang dumating sa Pilipinas ngayong umaga. Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Termina 1 ang mga bakunang ito pasado alas-9:25 ng umaga lulan ng isang China Airlines flight. Ang mga bakunang ito ay binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national […]
-
Drug suspect kalaboso sa P174K shabu sa Caloocan
KALABOSO ang isang hinihinalang drug personality matapos makuhanan ng mahigit P174K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa kahabaan ng Carnation […]
-
Mahigit $100M, ilalaan para sa infrastructure investments sa EDCA sites
INAASAHANG nasa mahigit $100 million ang ilalaan sa infrastructure investments para sa bago at existing Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa katapusan ng fiscal year 2023. Sa joint media briefing kasama ang mga opisyal ng Amerika at Pilipinas, sinabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III na ang nasabing investments ay […]