• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TARGET ng Department of Education (DepEd) na tapusin ang pagrerebisa sa K to 12 curriculum sa Mayo ngayong taon.

”Ang target date po natin para matapos ‘yan is May 2024. After the review, bibigay sa atin, ipepresenta sa atin kung ano ‘yung mga napansin nila and then we will start with the revision process,” ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa sa Palace briefing.
Enero ng nakaraang taon, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na nakatakdang rebisahin o baguhin ng departamento ang K to 12 curriculum sa layuning makapag-produce ng mas maraming “job-ready at responsible graduates.”
Sa katunayan, isang task force ang nilikha para rito.
Kasama sa task force ang Secretariat na makapagbibigay ng administrative support para sa epektibong implementasyon ng SHS (Senior High School) Program Standards at Support Systems “by addressing logistical concerns and convening the members of the SHS NTF when needed.”
Kabilang sa responsibilidad ng task force ay rebisahin ang umiiral na polisiya ng programa “to ensure consistency, responsiveness, and relevance” para sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholders; at palakasin ang ugnayan sa pribadong sektor at iba’t ibang industriya sa national at regional levels para ” to improve SHS employability.”
Inaasahan din na ide-develop ang mga polisiya at plano base sa program implementation review results at sa inaasahang pangangailangan sa hinaharap.
Idagdag pa rito ang makipagtulungan sa mga makabuluhang tanggapan gaya ng state universities and colleges, at public at private schools, para i-develop ang isang SHS database na kinabibilangan ng “policies, program offerings, at private school data.” (Daris Jose)
Other News
  • Ads December 17, 2022

  • PNP sa publiko: ‘Iwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical supplies’

    Patuloy na magbabantay ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies.   Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar kasunod nang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 at pangamba na magkaubusan ng oxygen tanks.     Ayon kay PNP […]

  • Ads August 2, 2023