• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Target ng DOLE na mainspeksyon ang nasa 64k na mga establisimyento at kumpanya, nalampasan na

NALAGPASAN  na ng Department of  Labor and Employment (DoLE) ang target nito ngayong taon na maisailalim sa inspeksyon  ang 64,000 business establishments and companies sa bansa.

 

Layunin nitong malaman kung nasusunod ba ng mga nagbalik operasyon na mga negosyo ang health at labor standards na ipinatutupad ng gobyerno para sa kaligtasan at proteksyon ng kanilang mga manggagawa.

 

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, sa Laging Handa briefing,  simula pa noong ma-lift o  alisin ang total lockdown noong Hunyo sa NCR at sa malaking bahagi ng bansa ay sinimulan na aniya nila ang pag-iinspeksyon sa iba’t ibang mga kumpanya at establisimyento sa bansa.

 

Sinabi pa ni Benavidez, malaki ang naging tungkulin ng kanilang mga Labor inspector dahil ito ang nag-iikot at nagbabantay para matiyak na ligtas at napoprotektahan ng batas ang mga manggagawa sa panahon ng pandemya.

 

Katuwang nila sa isinagawang pag-iinspekyon ang DTI,  local government units at DoH kung saan ito’y para siguruhing naipatutupad ang tinatawag na minimum health protocols. (DARIS JOSE)

Other News
  • Thankful sa pagiging kontrabida: LIEZEL, pinaghandaan ang mga confrontation scenes nila JASMIME

    NASA South Korea na ang runners para sa second season ng ‘Running Man Philippines!’     Sinalubong ng winter season sa South Korea sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, and Angel Guardian.     Ngayong second season, extra challenging ang labanan dahil tag-lamig at nagyeyelo pa sa South […]

  • Japanese boxer Naoya Inoue pinabagsak si Butler

    Pinatumba ni Japanese boxing superstar Naoya Inoue si Paul Butler sa kanilang laban na ginanap sa Ariake Arena sa Koto-Ku, Japan.     Sa simula pa lamang ng unang round ay pinaulanan na ni Inoue ang mga suntok ang kalaban nito.     Tumuloy ang pagpapakawala ng Japanese boxing star ng body shots at top […]

  • PVL sunod na target ni Santiago

    Aabangan na ang pagbabalik ni Jaja Santiago sa Pilipinas para palakasin ang Chery Tiggo sa Premier Volleyball League (PVL) na inaasahang masisimulan sa Mayo.     Galing si Santiago sa impresibong kampanya sa Japan.     Tinulungan nito ang Ageo Medics na maibulsa ang korona sa Japan V.League Division 1 V Cup noong Linggo sa […]