Target ng DOLE na mainspeksyon ang nasa 64k na mga establisimyento at kumpanya, nalampasan na
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
NALAGPASAN na ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang target nito ngayong taon na maisailalim sa inspeksyon ang 64,000 business establishments and companies sa bansa.
Layunin nitong malaman kung nasusunod ba ng mga nagbalik operasyon na mga negosyo ang health at labor standards na ipinatutupad ng gobyerno para sa kaligtasan at proteksyon ng kanilang mga manggagawa.
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, sa Laging Handa briefing, simula pa noong ma-lift o alisin ang total lockdown noong Hunyo sa NCR at sa malaking bahagi ng bansa ay sinimulan na aniya nila ang pag-iinspeksyon sa iba’t ibang mga kumpanya at establisimyento sa bansa.
Sinabi pa ni Benavidez, malaki ang naging tungkulin ng kanilang mga Labor inspector dahil ito ang nag-iikot at nagbabantay para matiyak na ligtas at napoprotektahan ng batas ang mga manggagawa sa panahon ng pandemya.
Katuwang nila sa isinagawang pag-iinspekyon ang DTI, local government units at DoH kung saan ito’y para siguruhing naipatutupad ang tinatawag na minimum health protocols. (DARIS JOSE)
-
Ads April 30, 2024
-
Nadagdagan na naman ang list ng international celebrities: HEART, naka-rubbing elbow ang asawa ni JUSTIN na si HAILEY BIEBER
MAY nadagdag na naman sa listahan ng international celebrities na naka-rubbing elbows o nakilala nang personal ni Heart Evangelista. Kung sa mga nakaraang global trips ni Heart ay nakilala na niya ang cast ng ‘Emily In Paris’ led by Lily Collins, ang mga Korean celebrities na sina Song Hye-kyo, Yugyeom ng GOT7, Ji Chang-wook, […]
-
2 kelot arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa Navotas
BINITBIT sa selda ang dalawang kelot matapos arestuhin ng pulisya makaraang ireklamo ng pagnanakaw ng cellphone sa Navotas City. Kasong paglabag sa Art 308 of RPC (Theft) ang isinampa ng pulisya laban sa mga naarestong suspek na sina alyas Ronel, 18, at alyas Emir, 20 kapwa resident ng lungsod. Sa imbestigasyon […]