Dating no. 1 Konsehal ng Pasig, JunJun Concepcion pormal nang naghain ng COC bilang Konsehal ng Distrito Dos
- Published on October 10, 2024
- by @peoplesbalita
KASABAY ng kanyang kaaarawan, Oct. 8 ay pormal nang naghain ng COC ang dating no. 1 Konsehal ng Pasig. Sa darating na halalan 2025 ay muli siyang magbabalik at tatakbo bilang City Councilor sa District 2.
” Isa sa mga maipagmamalaki naisulong ni Konsi Junjun ay ang mga sumusunod ang “Solo Parents Welfare Act Ordinance No. 43 Series of 2020.”
“Amended Fire Victim Assistance Ordinance No. 3 of 2019.”, “Public and Private Partnership Resolution No. 123 Series 2020.” at “Burial Assistance in form of Funeral Caskets and Services Resolution no. 3 Series of 2019.” Iilan lamang ito sa mga nagawa niya at nangangako siyang hihigitan pa ang mga programang maiaalay niya kung siya’y muling mapagbibigyan maluklok sa puwesto.
Sa loob ng dalawampung taon, nakapagbigay siya ng serbisyo sa taong bayan.
“Boses ng tao ang pinaka-importante sa mabuting gobyerno. Kaya’t boses din ng tao ang laging pinakikinggan ko. Hindi lang basta-basta ang pamumuno. Hindi lang “ako” ang nandito, kundi “tayo”. Kaya mahalaga sa akin ang bawat komentaryo, suhestiyon, at opinyon ninyo. Dahil sa bawat aksyon at desisyon—kayo ang uunahin ko.
Pasigueños,” pahayag ni Junjun Concepcion.
“Buo ang ating loob sa pagbabalik sa paglilingkuran upang ihatid muli sa bawat Pasigueño ang serbisyong karapat dapat.
Mapagkumbabang humingi tayo ng gabay at lakas sa ating Panginoon ngayong umaga kasama ang ating pamilya, mga taga-suporta at ka-partido. Bitbit natin ang ating pananalig sa Maykapal sa ating tatahaking laban na ito.
Hindi na tayo bagito sa pulitika ngunit alam nating hindi natin kakayanin kung ako’y mag-isa lamang. Sa sama-samang lakas at suporta ng bawat Pasigueñong nagluklok na sa atin dati bilang Numero Unong KONSEHAL sa Distrito Dos, naniniwala tayong mapagtatagumpayan natin itong muli! ” pahayag pa nito. (ARA)
-
P215-B ang ambag ng Petrochemical Industry sa ekonomiya ng bansa next year – PBBM
TINATAYANG nasa P215 billion ang magiging ambag ng Petrochemical industry sa ekonomiya ng bansa sa susunod na taon. Ito ang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang tamulpati sa inagurasyon ng Expanded J-G Summit Petrochemicals manufacturing facility sa Batangas City. Ayon sa Pangulo nasa kabuuang 6,2000 na direct at indirect […]
-
Air assets ng gobyerno, ipinag-utos ni PBBM na gamitin para makapaghatid ng tulong sa mga apektado ng lindol
KAAGAD na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang air assets ng gobyerno para mabilis na mahatiran ng pagkain ang mga apektadong residente Ang air assets ay isa sa mga pangunahing kailangan ng mga tinamaan ng lindol. Sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan ang mabilis na paghahatid ng suplay […]
-
Sec. Roque, nananatiling malusog at wala umanong anumang sintomas ng Covid-19
NANANATILING nasa maayos ang pangangatawan at walang nararamdaman na anumang sintomas ng Covid-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque. Kamakailan kasi ay nakasalamuha ni Sec. Roque ang kanyang staff na nagpositibo sa covid19. Aniya, tanging precautionary measure o pangangalaga sa katawan ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ngayon upang masiguro na nananatiling nasa maayos na […]