• March 31, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Task Force na sisilip sa mga nangyayaring pangungurakot sa lahat ng government offices

DAHIL na rin sa nakitang magandang resulta sa ginawang pagbuo ng Task Force PHILHEALTH ay nagpasiya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtatag ng Task Force na sisilip naman sa mga nagaganap na katiwalian sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

 

Sa katunayan ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay kagyat na binigyan ng direktiba ni Pangulong Duterte si DOJ Secretary Menardo Guevarra.

 

Maliban aniya sa tindi ng katiwalian sa gobyerno, sinabi ni Roque na isang dahilan din sa paglikha ng Task Force ng Pangulo na sisiyasat sa lahat ng government agencies ay ang naging kinalabasan naman ng pagbuo ng Task Force PHILHEALTH.

 

Ayon kay Sec. Roque, naging epektibo ang Task Force PHILHEALTH sa paghalukay ng katiwalian gayung tulong -. tulong dito ang ibat- ibang mga tanggapan ng gobyerno.

 

Mismong ang Pangulong Duterte ay nagsabing lumalakas pa sa halip na humina ang korupsiyon sa bansa pero naniniwala aniya siyang may magagawa pa rin siya laban dito. (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 7, 2024

  • BEA, wala pang nasimulang project sa GMA dahil sa paghihintay nila ni ALDEN sa movie na pagtatambalan

    SA kanyang 16-hectares farm, ang Beati Firma Farm, magpapalipas ng Christmas si Bea Alonzo, with her family, sa Iba, Zambales.     Hindi na siguro dapat itanong kung kasama ba niya ang boyfriend niyang si Dominic Roque, na sinabi niyang her ‘best blessing.’     This year lamang naging public ang relasyon nila ni Dominic, […]

  • Higit 2,000 trabaho, tampok sa Bulacan Trabaho Service Caravan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Higit 2,000 oportunidad dito at sa ibang bansa ang naghihintay sa mga Bulakenyong naghahanap ng trabaho sa pagsasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Services Office (PYSPESO) ng Bulacan Trabaho Service (BTS) Caravan sa Huwebes, Mayo 4, 2023, 8:00 ng umaga sa Bulacan […]