• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Task Force PhilHealth, kailangang maging maingat sa imbestigasyon

KAILANGANG maging maingat ng Task Force PhilHealth sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa uma­no’y overpriced purchase ng IT system na umabot ng P2 billion.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangan na mayroong matibay na  ebidensya at hindi lamang testimonya dahil medaling magsalita.

 

Kailangan aniya ay  “backed up by documents, paper trail.”

 

“Alam mo, ‘yung pag-iimbestiga at kung gusto mong maghabla ng mga taong sa tingin mo ay may kasalanan, kailangan mayroon kang ebidensya, hindi lamang testimonya, kasi madaling magsalita. Kailangan ‘yun ay backed up by documents, paper trail. Kasi sasabihin mo, ‘yan sangkot ‘yan dito, iyan nagre-release ng ganito, kung salita lang, pero wala naman sa dokumento, wala sa papel, eh di-dismiss lang ‘yan ng hukuman,” ayon kay Sec. Panelo.

 

Kaya kailangan na  maingat ang Task Force diyan.

 

Sa ulat, kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na target ng Task Force PhilHealth na maisumite sa Setyembre 14 ang report sa imbestigasyon hinggil sa PhilHealth controversy.

 

Ito ang inilahad ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Usec Markk Perete na kakayanin ng task force na makaabot sa 30-araw deadline.

 

Dagdag ni Perete na partikular na binusisi ng task force ang mga claim na hindi napipigilan ang IT system ng PhilHealth ang fraud gayundin ang maliit na bilang ng mga kasong administratibo at kriminal na naihain laban sa mga tiwaling opisyal ng ahensiya.

 

Nilinaw ni Perete na kahit makapag-submit na sila ng ulat sa Pangulo ay malaki ang posibilidad na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon kahit tapos na ang ibinigay sa kanilang 30-days period.

 

Sinabi rin ni Perete na sa ngayon balak ng task force na irekomendang magkaroon ng balasahan sa buong sistema ng PhilHealth para masolusyonan ang isyu sa katiwalian. (Daris Jose)

Other News
  • P921 M Chinese deal ng PNR di na tuloy

    Hindi na itutuloy ng Philippine National Railway ang Chinese deal na nagkakahalaga ng P921 M para sa pagbili ng gauge diesel multiple unit (DMU) trains na gagamitin sa Bicol line.       Ayon kay PNR general manager Junn Magno, ang kontrata na ibinigay sa CRRC Zhuzhou Locomotive Co. Ltd na siyang nanalo sa naunang […]

  • Ads January 19, 2023

  • Granular lockdown sa NCR mahigpit na ipatutupad ng PNP

    Todo bantay at mahigpit na tutulong ang Philippine National Police (PNP) sakaling magpatupad ng mga  ‘granular lockdowns’ ang mga local  government unit (LGU) sa buong Metro Manila matapos na isailalim na ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),ayon kay  PNP Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.     Una rito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority […]