• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tax-exempt shopping purchase ng returning OFW’s at mga balikbayan, gawing $6,000

NAIS  ng isang mambabatas na maitaas sa $6,000 ang tax exemption ng mga overseas Filipino workers at mga balikbayan kapag mamimili o magsa-shopping sa mga duty free shop na pinapangasiwaan ng Department of Tourism.

 

 

Sinabi ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa House bill 647 na panahon na para i-upgade ang benepisyo ng mga OFW at mga balikbayan dahil mahigit tatlumpung taon na ang batas sa Balikbayan Program.

 

 

Kapag naisabatas, mahihikayat ang maraming OFW’s at balikbayan na sa mga duty-free shops sa Pilipinas mamili ng pasalubong sa halip na sa abroad.

 

 

Sinabi ng mambabatas na makatutulong ito para sa dagdag na dolyar sa ating ekonomiya.

 

 

Sa kasalukuyan, umaabot lang sa  $3,500 ang tax exempt purchases sa mga duty free shop ng DOT.

 

 

Paliwanag ni Libanan, sa naturang halaga, $1,500 ang kabuuang tax exemption sa discretionary consumer goods at $2,000 sa livelihood tools gaya ng computers, sewing machines at iba pa.

 

 

May tatlong duty free shops ang DOT sa NAIA Terminals 1,2 and 3. (Ara Romero)

Other News
  • Kristian Yugo Cabana nilangoy unang ginto sa Batang Pinoy

    VIGAN CITY – Nilangoy agad ni Kristian Yugo Cabana ng Lucena City ang unang gintong medalya sa PSC-Batang Pinoy National Championships – Boys Under 12 swimming na ginanap sa Quirino Stadium, Sabado.   Nagtala si 12-year-old Cabana ng 2:29.50 minuto sa 200 LC Meter IM sapat upang ikuwintas ang gintong medalya sa event na inorganisa […]

  • Tuloy na tuloy na sa Nov. 26 sa Aliw Theater: PIOLO, magho-host pa rin sa awards night ng ‘6th The EDDYS’

    TULOY na tuloy na ang inaabangang ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon. Matapos ma-postpone ang nakatakda sanang awards night nitong nagdaang October 22, inanunsyo na ng pamunuan ng SPEEd, sa pamamagitan ng Presidente nitong si Eugene Asis, magaganap na ang Gabi ng […]

  • MRT-3 naghain muli ng petisyon sa taas-pasahe

    NAGHAIN muli kahapon ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng petisyon para sa taas-pasahe sa Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr).     Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na siya ring officer-in-charge ng MRT-3, layunin ng petisyon na maitaas ang kanilang boarding fare sa P13.29, […]