Taxi driver tinodas ng riding-bicycle
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
Dedbol ang isang 43-anyos na taxi driver matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang riding-bicycle gunman habang nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Angela Rejano, dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Eduard Nonong, ng 51 Kaingin Road, Balintawak, Quezon city.
Habang ang suspek na nakasuot ng brown t-shirt ay mabilis na tumakas sakay ng bisikleta patungong Del Monte Avenue, Brgy. Potrero matapos ang pamamaril.
Sa imbestigasyon ni homicide investigator P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, dakong 4 ng hapon, nakatayo ang biktima sa kahabaan ng Banana Road, malapit sa Victoria Court sa Brgy. Potrero nang lumapit mula sa likod ang suspek na sakay ng bisikleta at walang sabi-sabing binaril sa ulo si Nonong.
Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 na rumesponde sa crime scene subalit, nabigo ang mga ito na maaresto ang suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)
-
PBA bubble amenities kumpleto sa libangan
TITIYAKIN ng Philippine Basketball Association (PBA) na kumpleto ang amenities ng Quest Hotel sa Clark City sa Angeles City, Pampanga na pagtatayuan ng bubble sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa darating na Oktubre 9. “Tsinek namin, may golf, may water sports,” bulalas kahapon ni Pro league Commissioner Wilfrido Marcial. “Maglalagay din kami ng parang […]
-
CBCP ikinabahala ang pagsusulong ng People’s Initiative
BINALAAN ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko laban sa nagsusulong ng ‘people’s initiative’. Sinabi ni CBCP President and Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na naalarma ang maraming obispo dahil ang nasabing people’s initiative na isinusulong ng ilang mambabatas ay hindi pinapangunahan ng mga ordinaryong mamamayan. Dagdag pa […]
-
PDu30, itinalaga si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response. Ito’y batay na rin sa mga larawan na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Biyernes. Kasama ni Dizon ang kanyang pamilya na nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte, araw ng Martes. Ang appointment ni Dizon ay […]