Tayuan sa bus, nakasabit sa jeep bawal – MMDA
- Published on March 4, 2022
- by @peoplesbalita
BINALAAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong bus at jeep sa mahigpit na pagbabawal sa mga nakatayo o nakasabit na pasahero kahit na inilagay na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).
Sinabi ni MMDA officer-in-charge and general manager Romando Artes na ito ay sa kabila na pinapayagan na ang ‘full capacity’ sa mga pampublikong sasakyan sa Alert Level 1.
“Hindi papayagan ‘yung tayuan dahil ang nakalagay po sa guidelines ng IATF ay full seating capacity, meaning ‘yung kapasidad lang po ng sasakyan kung saan ang pasahero ay nakaupo,” ayon kay Artes.
Nakipag-ugnayan na umano sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol dito.
Pero, hindi kasali sa panuntunan ang Metro Rail Transit at Light Rail Transit na isa ring uri ng pampublikong transportasyon.
“Yun lamang po ‘yung papayagan except po sa MRT…sa capacity ‘yung nakatayo kasi kung makikita niyo ang MRT naman po, LRT, designed po na kaunti lang ang nakaupo at mas maraming nakatayo. Except po doon, sa mga buses at jeepneys po, full seating capacity lang,” paliwanag ng opisyal.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Artes na maayos na ang pagpapatupad ng protocols sa mga pampublikong sasakyan dahil sa disiplinado na umano ang mga mananakay. (Daris Jose)
-
2 KULONG SA P360K HIGH GRADE MARIJUANA
ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng high grade marijuana sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong mga suspek na si Mark Lester Corpuz, 32 ng Banaba St. Pangarap Village, […]
-
NTF may kondisyon sa planong ‘limited face-to-face learning’ ng CHED, DepEd
Nagbigay ng ilang kondisyon at guidelines si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. kaugnay sa binabalak ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na posibleng pagkakaroon ng limited face-to-face learning sa mga paaralan. Sinabi ni Sec. Galvez, dapat may dormitoryo kung saan mananatili ng ilang buwan […]
-
Alcantara, Gonzales talsik
HINDI umubra sina Philippine duo Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales laban kina Conner Huertas at Alexander Merino ng Peru, 7-6 (11-9), 4-6, 10-7, para magmintis sa semifinals ng katatapos na International Tennis Federation (ITF) ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour second leg sa Naples, Florida. Pumalaot sa quarterfinas sina homegrown Alcantara […]