Team LeBron dinurog ang Team Durant
- Published on March 10, 2021
- by @peoplesbalita
Tumipa si Milwaukee Bucks star forward Giannis Antetokounmpo ng perpektong 16-of-16 fieldgoal shooting patungo sa kanyang game-high 35 points para pamunuan ang 170-150 pagdomina ng Team LeBron sa Team Durant sa ika-70 NBA All-Star Game kahapon dito sa halos bakanteng State Farm.
“It’s fun. I was happy, my teammates had fun, and just being around great players, they’re just easy to play with,” ani Antetokounmpo na hinirang na NBA All-Star Game Most Valuable Player.
Nagdagdag si Portland Trail Blazers scorer Damian Lillard ng 32 markers at may 28 points si Golden State Warriors guard Stephen Curry tampok ang kanyang walong three-pointers.
May 4 points naman si LeBron James ng Los Angeles Lakers para sa kanyang sariling koponan.
Pinamunuan ni NBA leading scorer Bradley Beal ng Washington Wizards ang Team Durant sa kanyang 26 points.
Hindi naglaro si Kevin Durant ng Brooklyn Nets dahil sa kanyang hamstring injury.
Samantala, ang pinakahuling money ball shot ni Golden State Warriors star Curry ang nagbigay sa kanya ng ikalawang three-point title.
Inungusan ni Curry si Utah Jazz guard Mike Conley, 28-27, sa final round ng Three-Point Shootout para angkinin ang ikalawa niyang korona matapos noong 2015.
Nag-donate ang Team LeBron ng higit sa $1 milyon sa Thurgood Marshall College Fund habang nagbigay ang Team Durant ng $500,000 sa United Negro College Fund.
-
MM, maaaring bumaba sa Alert Level 3- Abalos
MAAARING lumuwag ang quarantine status sa Kalakhang Maynila matapos ng pilot implementation ng Alert Level 4 kapag ang indikasyon ng Covid 19 ay nagpakita ng “improvement”. Umaasa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na magiging mas maayos ang situwasyon sa Kalakhang Maynila sa pangalawang linggo ng implementasyon ng Alert Level 4, […]
-
‘Easter ceasefire’ sa Ukraine panawagan ni Pope Francis
NANAWAGAN si Pope Francis ngayong Linggo para sa isang Easter ceasefire sa Ukraine para mabigyan daan ang inaasam na kapayapaan sa pamamagitan nang tinawag niyang “real negotiation.” “Let the Easter truce begin. But not to provide more weapons and pick up the combat again — no! — a truce that will lead to […]
-
Baz Luhrmann Reveals That ‘Elvis’ Has A Four-Hour-Long Director’s Cut
BAZ Luhrmann says that a four-hour-long director’s cut exists for Elvis. Visionary Director Luhrmann, who has previously delivered flamboyant theatrical pieces like Romeo + Juliet (1996), Moulin Rouge! (2001), and The Great Gatsby (2013), helmed the upcoming musical biopic about the King of rock ‘n roll Elvis Presley off a script he wrote himself […]