• June 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Team Philippines palaban sa 2023 SEAG

DAHIL  hindi inaasahang la­laban ang host Cambodia para sa overall crown ay ma­giging labu-labo ang 32nd Southeast Asian Games sa Mayo ng 2023.

 

 

Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makikipag-agawan sa overall title ang mga Pinoy athletes.

 

 

Ito ay makaraang tuma­pos sa fourth place ang Team Philippines sa naka­raang SEA Games sa Hanoi na dinomina ng mga Viet­namese.

 

 

“If we could train longer, I’m optimistic the overall race would be anybody’s ballgame,” ani Tolentino kahapon sa online Philippine Sportswriters Association Forum.

 

 

Para mapalakas ang tsan­sa sa korona ay lalahok ang Pinas sa lahat ng 40 events na ilalatag ng mga Cambodians sa biennial meet.

 

 

“Salihan natin lahat sa Cambodia. We’re just waiting for the final list of events,” sabi ni Tolentino.

 

 

Tumapos ang mga Pinoy athletes sa fourth place sa Vetnam edition bitbit ang 52 gold, 70 silver at 104 bronze medals.

 

 

Nauna nang inangkin ng Pinas ang overall crown noong 2019 edition.

 

 

“If fair game, we could have been second. We have great athletes. Of our 70 silver medals, 42 were from subjective sports inclu­ding 27 were the oppo­nents were from host Vietnam,” dagdag ng POC at cycling fe­­deration chief.

Other News
  • “VENOM: LET THERE BE CARNAGE” SMASHES ITS WAY TO THE BIG SCREEN

    VENOM: Let There Be Carnage is almost here, and the only place to see it is exclusively in movie theaters.  Get ready as Columbia Pictures prepares to unleash the new action thriller in Philippine cinemas starting December 8th.  Tom Hardy returns as the lethal protector Venom, one of MARVEL’s greatest and most complex characters. Directed by Andy Serkis, the […]

  • SHARON, may bonggang birthday message kay Rep. VILMA; role sa ‘FPJAP’ posibleng may kaugnayan kina JULIA at ROWELL

    BILANG certified Vilmanian, hindi talaga puwedeng hindi babatiin ni Megastar Sharon Cuneta ang nag-iisang Star For All Seasons at Lipa City Representative na si Vilma Santos-Recto na nag-celebrate ng 68th birthday noong November 3.     Pinost ni Sharon sa kanyang Instagram ang birthday message kalakip ng old photo ni Ate Vi, “Recently I saw […]

  • Mahigit 3.7M ang nasayang na vaccine doses ang naiulat- Malakanyang

    MAY KABUUANG 3,760,983 doses ang naitalang Covid-19 vaccine wastage o nasayang na bakuna sa bansa.     Ipinresenta ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ang data na nagmula sa Department of Health sa isinagawa nitong public briefing, araw ng Miyerkules.       Sinasabing 1.54% lamang ito sa kabuuang COVID-19 vaccine doses sa bansa.   […]