TEEJAY at JEROME, ‘di inaasahan na magiging maganda ang pagtanggap sa ‘Ben X Jim’; asahang mas nakakikilig ang Season 2
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
NAG–START na noong February 12 ang season 2 ang BL series na Ben X Jim na from Regal Entertainment starring Teejay Marquez and Jerome Ponce, under the direction of Easy Ferrer.
Sa recent zoom presscon ng season 2 ng serye, kapwa sinabi nina Teejay at Jerome na hindi nila inaasahan ang magandang reception ng publiko sa kanilang BL movie.
Pero siyempre ikinatuwa nila na maraming nanood sa kanilang BL movie at marami ang sumubaybay rito hanggang natapos.
Sabi pa ni Teejay, sa tingin niya ang magandang kwento ng Ben X Jim ang susi kung bakit ito nagustuhan ng mga manonood.
“Dahil sa magandang kwento, they have reason to look forward sa susunod na episode the following week. Nakaabang sila talaga kung ano ang mangyayari sa kwento nina Ben at Jim,” sabi ni Teejay.
For his part, sinabi naman ni Jerome na hindi lang basta yung yummy part ng series ang inaabangan ng mga viewers. Siyempre kasama iyon sa attraction ng kwento pero more than the yummy scenes ng mga bida, ang magandang kwento talaga ang nagdala sa series.
Ayon pa sa kina Teejay at Jerome, mas marami pang pa-yummy at kilig scenes na dapat abangan sa season 2 pero dapat pa rin tutukan ang magandang kwento ng Ben X Jim Forever.
Familiar si Teejay sa mga BL movies which were being done in Thailand bago pa naman ito nauso sa Pilipinas.
Aware si Teejay na maraming following ang BL movies from local and international audience. Kaya naman happy sila na tinangkilik ang Ben X Jim hindi lang ng Pinoy audience kundi pati ng mga fans overseas.
Sa Ben X Jim Forever ay maraming new characters na ipakikila kaya expect na mas maganda and interesting ang kwento nito.
Kasama nina Teejay at Jerome Ponce sa 8-part series sina Kat Galang, Darwin Yu, Ejay Jallorina, Miko Gallardo, Anikka Dela Cruz, Jomari Angeles, Sarah Edwards, Ron Angeles, Vance Larena, at Royce Cabrera.
More than 10 million views ang nakamit ng Ben X Jim sa entire run ng season 1 nito na napanood sa Facebook at You Tube channel.
***
MARAMI rin ang views ng mga Regal movies sa Netflix. At iba sa mga ito ay nag-trending.
Kabilang sa mga most-watched Regal movies at nag-trend sa Netflix ay Ang Henerasyong Sumuko sa Love (No. 3), The Hopeful Romantic (No.1) at The Heiress (No. 10).
Available na rin for viewing sa Netflix this February ang Foolish Love (nagsimula noong Feb 11), at My Rebound Girl (Feb 25).
Ang iba pang Regal movies na dapat abangan sa Netflix ay This Time I’ll Be Sweeter (March 11), The Curse (March 25), I Love You To Death (April 9), The Prenup (April 23), No Boyfriend Since Birth (May 13), So It’s You (June 3) at The Debutantes (June 24). (RICKY CALDERON)
-
MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS
NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, […]
-
‘Pagkakaroon ng multiple simcard ng isang tao, hindi ipinagbabawal’
MAAARI pa ring magmay-ari ng maraming simcards ang isang indibidwal. Ito ang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy kaugnay ng ipatutupad na bagong Simcard Registration Act. Aminado si Uy na may mga lugar na walang signal o mahina ang signal ng isang telecommunication company […]
-
Pangunguna ni VP Leni sa isang Presidential survey para sa 2022 elections, wishful thinking lang-Malakanyang
PARA sa Malakanyang, wishful thinking lang ang lumabas sa isang presidential survey para sa 2022 elections kung saan nanguna si Vice President Leni Robredo. Batay kasi sa PiliPinas 2022 Online Survey Platform for Presidential Candidates, nanguna si Robredo makaraang makakuha ng 34.27 percent na boto, pangalawa si Davao City Mayor Sara Duterte na may […]