• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Temporary at improvised plates hindi na papayagan simula Aug. 1

NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) ng Memorandum Circular No. VDM-2024-2721 para sa guidelines ng paggamit ng improvised at temporary plates.
Nakasaad dito na hindi na papayagan ang paggamit ng improvised at temporary plates simula sa darating na August 1.
“The absence of backlog in the production of motor vehicle plates vis-à-vis our continuous improvement and alignment of policies with current standards and practices, the use of all improvised and temporary plates is revoked, which will take effect on August 1,” ayon sa memo.
Subalit kung ang sasakyan ay may non-LTO issued plate, ang permit na binigay ng LTO district/extension office ay valid sa loob kung hanggang kailan ito pinapayagan ng LTO na gamitin habang ang may-ari ng sasakyan ay naghihintay pa ng replacement plate.
Ang temporary vintage plates naman ay kinailangan may nakalgay na “Vintage Vehicle” at ang model year sa sasakyan. Ang may-ari ng ganitong sasakyan ay hindi na kailangan ang permit upang gamitin ito subalit dapat ito ay kasya sa paglalagyan ng license plate.
Habang ang bago na four-wheeled na sasakyan ay pinapayagan lamang na gamitin ang dealer plates sa loob ng 15 araw mula sa issuance ng sales invoice. Kinakailangan din na may conduction sticker number ito upang hindi ito makaparehas ng ibang sasakyan. Kailangan din na ito ay color-coded katulad ng tamang plate.
Ang pribadong sasakyan ay dapat may puting background na may itim na characters. Habang ang electric at hybrid na sasakyan naman ay may puting background na may green na characters. Sa mga sasakyan naman ng pamahalaan, ito ay dapat may puting background na may pulang characters.
Sa mga motorcycles naman na bagong bili pa lamang, ito ay papayagan na gamitin ang temporary at improvised plate sa loob lamang ng 15 araw mula sa issuance ng invoice. Ang mga motorcycles na binili bago ang January 1, 2023 ay papayagan na gamitin ang temporary at improvised plates na may MV File Number na nakalagay hanggang ang actual plate ay di pa dumarating.
Nang mga nakaraan taon, ang license plates issuance ay naging problema ng LTO dahil sa backlog at dahil na rin sa nagkalat na vanity plates. LASACMAR
Other News
  • KASO NG COVID SA PGH, TUMATAAS

    PATULOY  ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Philippine General Hospital mula nitong nakaraang linggo.   Ayon ito kay PGH Spokesperson Dr Jonas del Rosario, kung saan hanggang kahapon, Linggo ay umabot sa  143 ang  COVID-19  pasyente na naadmit mula sa 250 beds.   ‘ Ang naitala po namin kahapon , ito po yung biggest […]

  • Ni-launch na ang swimwear line: JULIA, perfect model at suportado ni GERALD

    NI-LAUNCH na ni Julia Barretto ang sariling swimwear line na The Juju Club.   Perfect timing daw ang paglabas sa publiko ng kanyang sariling swimwear brand dahil summer na at maraming nasa beach ngayon.   Sino pa nga ba ang perfect model ng kanyang swimwear kundi siya mismo. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang […]

  • Kelot nagbigti dahil sa depresyon

    Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city.     Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero.     Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong […]