Tennis star Osaka nakiisa sa protesta
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
Tuluyan nang umatras sa paglalaro sa Western & Southern Open tennis tournament si Japanese star Naomi Osaka bilang pagpapakita ng suporta sa umano’y racial injustice sa America.
Bilang protesta, inanunsyo ng 22-anyos na tennis star ang pag-atras nito sa palaro ilang minuto matapos ang pagpasok nito sa semifinals ng palaro.
Matatandaang ilang sporting events sa US gaya ng basketball at baseball ang nagkansela ng kanilang mga laro bilang protesta sa pamamaril ng mga kapulisan sa isang African-American na si Jacob Blake sa Wisconsin.
Maging ang mga laro sa tennis tournament ay kinansela rin ng organizers nitong Huwebes bilang suporta sa protesta at ito ay nakatakdang ipagpatuloy sa mga susunod na araw.
-
30-M washable facemasks ipapamahagi sa mga nasalanta ng kalamidad – DTI
Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na mamimigay sila ng 30 milyong washable face masks para sa mga nasalanta ng bagyong upang maprotektahan ang mga ito mula sa banta ng coronavirus disease. Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, sinimulan na nila ang pamimigay ng mga facemasks katuwang ang Office of Civil Defense. […]
-
Biglang nadamay si Alden sa balitang breakup: SAM at CATRIONA, kumpirmadong may pinagdaraanan na sana’y ma-resolve pa
KINUMPIRMA na ng Cornerstone Entertainment, ang talent management nina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray, na may pinagdaraanan ang engaged couple. Ginagawa raw nila ang lahat para maayos ang anumang problema na hinaharap ng magkarelasyon. Ayon sa official statement, “We at the Cornerstone, as the talent management agency representing […]
-
5 NSA tinanggap ng POC
MAY limang National Sports Association (NSA) ang naging bagong miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) sa huling virtual general assembly meeting ng organisasyon. Ang mga bagong pasok, ayon ayon kay POC president Abraham Tolentino ay ang Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI), Philippine Underwater Hockey Confederation PUHC), Polo Federation of the Philippines (PF), Philippine […]