Tenorio patuloy ang pagiging ‘Iron Man’ ng PBA
- Published on June 15, 2022
- by @peoplesbalita
SA HALFTIME ng upakan ng Barangay Ginebra sa Blackwater noong Linggo ay binigyan si point guard LA Tenorio ng Philippine Basketball Association ng plaque.
Ito ay dahil sa paglalaro ng 37-anyos na si Tenorio ng kanyang ika-700 sunod na laro.
“Nag-e-enjoy lang din ako with the competition, siyempre. I’m enjoying myself. This is my comfort zone, playing in the PBA with everyone,” sabi ng veteran playmaker.
Hindi pa siya nakakamintis ng isang laro sapul nang piliin ng San Miguel bilang No. 4 overall noong 2006 PBA Draft.
Muntik pang hindi makalaro si Tenorio sa pagsisimula ng 2020 PBA Philippine Cup matapos sumailalim sa isang appendectomy procedure kaya hindi kaagad siya nakasama sa training ng Gin Kings sa Clark bubble.
Sa kanyang 700 games ay nagwagi na ang dating kamador ng San Beda Red Cubs at Ateneo Blue Eagles ng pitong PBA championships, isang Best Player of the Conference trophy at four-time Finals MVP.
Kaya naman ‘freak of nature’ ang paglalarawan sa kanya ni coach Tim Cone.
“You never see him go to eat in any fast food or anything like that. I mean, he really takes care of himself,” sabi ni Cone.
-
5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na
Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca. Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na […]
-
Malasakit Center beneficiaries: 15 milyon and counting!
FIFTEEN million beneficiaries and counting. Ito ang update ng Department of Health (DOH) sa pagdinig ng Senate committee on health tungkol sa kasalukuyang estado ng Malasakit Centers Program. Sa kabila ng bulung-bulungan tungkol sa kahihinatnan ng “one-stop shop for medical assistance,” sinabi mismo ni DOH Sec. Ted Herbosa sa […]
-
Free 1-day unlimited pass, kaloob ng LRTA sa commuters na nagpabakuna sa LRT-2 stations
BINIGYAN ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng one-day unlimited pass ang mga train commuters na nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa vaccination sites na inilagay sa kanilang mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kahapon sa unang araw nang pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region […]