TerraFirma Dyip taob sa Magnolia; bokya pa rin sa PBA bubble
- Published on November 7, 2020
- by @peoplesbalita
PINADAPA ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang TerraFirma Dyip, 103-89, sa kanilang banggaan sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa bubble sa Angeles University Gym sa Angeles, Pampanga.
Tila bumangga sa pader ang Dyip sa pagharap sa Magnolia dahil tambak ang inabot nito at hindi nakayanan ang lakas ng opensa at depensa ng Hotshots.
Nanguna sa panalo ng Hotshot sina Paul Lee na kumamada ng 29 points sa at Romy Dela Rosa na may 17 puntos habang umambag din sa Ian Sanggalan ng 16 points.
Kinapos naman ang pagnanais ni CJ Perez na makuha ang unang panalo ng kulelat na Dyip matapos itong kumana ng 19 points para sa koponan.
May apat pang natitirang laro ang Dyip at umaasa ang koponan na makukuha nila ang kanilang unang panalo sa bubble.
Sunod na haharapin ng Dyip ang Blackwater Elite bukas (Biyernes) habang ang Magnolia ay haharap kontra sa Northport sa Linggo.
-
90 percent ng license plate backlogs, target tapusin ng LTO sa December 2023
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang kahit hanggang 90-porsyento ng produksyon ng backlogs sa mga plaka ng sasakyan sa katapusan ng 2023. Ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz III, gagamitin ng LTO ang sariling planta nito upang makagawa ng mga plaka kahit ilang porsyento ng kabuuang kakulangan bago matapos ang […]
-
Sean, nag-audition para maging support pero nakuhang bida
MASARAP kausap si Sean De Guzman, ang member ng Clique 5, na bida na sa Anak ng Macho Dancer na produced ng Godfather Productions ni Joed Serrano. Wala siyang iniiwasan na tanong. Game siya sumagot sa kahit na anong tanong. Ready rin siya to share anything about his childhood and his family. […]
-
2,000 ESTUDYANTE NG UDM, NAKATANGGAP NG TIG-P5K TULONG PINANSIYAL
NASA 2,000 estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng maagang “Pamasko” makaraang maghatid ng P10 milyon halaga ng educational assistance si Senadora Imee R. Marcos sa Universidad de Manila nitong Biyernes, Disyembre 15. Sinalubong ng kapatid ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Liga ng mga Barangay President Konsehala Lei Lacuna si Senadora Imee pagdating […]