• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teves, 6 pa kinasuhan ng CIDG

SINAMPAHAN  na ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at anim nitong staff kaugnay sa mga hindi umano lisensiyadong mga armas at bala na nakuha sa isinagawang raid sa mga bahay ng kongresista ng nakalipas na linggo.

 

 

Ayon sa PNP-CIDG, bukod kay Teves sinampahan din ng kaso sina Hannah Mae Sumerano Oray, sekretarya ng kongresista; mister nitong si Heracleo Sangasin Oray; Jose Pablo Gimarangan; Roland Aguisanda Pablio; Rodolfo Teves Maturan, at Kyle Catan Maturan.

 

 

Isinagawa ang mga raid sa limang magkakaibang address sa Basay at Bawayan City sa Negros Oriental nitong Biyernes.

 

 

Nabatid na sina Teves, Gimarangan at Pablio ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) at sa Law on Explosives (RA 9516) habang “infringement” ng RA 10591 kina Hannah Mae Oray, Heracleo Sangasin Oray, Rodolfo Teves Maturan, at Joseph Kyle Catan Maturan.

 

 

Nilinaw naman ni PCol. Thomas Valmonte, CIDG legal division chief, na walang sinu­render na mga baril at sa halip ay pawang nakuha sa bisa ng search warrant. Ang mga ito ay walang kaukulang papeles.

 

 

Wala sa mga bahay nang isagawa ang raid si Cong. Teves na kasalukuyang nasa ibang bansa, gayunman ay sasampahan pa rin siya ng kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516, kasama sina Kurt Mathew Teves, at Axel Teves.

 

 

Samantala, inaalam na rin ng PNP ang supplier ng baril ni Teves na nagkuha sa raid at sa mga suspek.

 

 

Ani PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. bawat supplier ay may identified gun dealers.

 

 

Tukoy na ang serial numbers ng mga baril subalit walang dokumento kaya maituturing na loose firearms. (Daris Jose)

Other News
  • Senado, dinagdagan ang pondo para sa 82 State Universities and Colleges para sa 2025

    Tinanggap ng Senado ang panukala ni Senador Sherwin Gatchalian na maglaan ng P3.058 bilyon para sa 82 State Universities and Colleges (SUCs) sa susunod na taon.     Ito’y upang mapunan ang kakulangan sa pondo ng pagpapatupad ng free higher education.     Tinanggap ang naturang panukala ni Gatchalian sa inaprubahang bersyon ng General Appropriations […]

  • Pebrero 9, idineklarang special non-working day para sa Chinese New Year

    IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang special non-working day sa buong bansa ang Pebrero 9, 2024 bilang pagdiriwang ng Chinese New Year.     Tinintahan ni Pangulong Marcos ang Proclamation 453 nito lamang Enero 18, nagdedeklara ng nationwide holiday para mabigyan ng pagakakataon ang mga Filipino na ipagdiwang ang Chinese New Year […]

  • Noche buena meat products may taas presyo – DTI

    ASAHAN na ng mga mamimili ang pagtaas sa noche Buena meat pro­ducts dahil sa 15%-20% na itinaas sa production cost ng meat processors, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) nitong Lunes.     Ito’y matapos maki­pagpulong ang DTI sa mga meat processors bilang paghahanda na rin sa dara­ting na holiday season.     […]