• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Theater actress din ang figure skater: MISHA, hindi nakasama sa seryeng ‘Hearts On Ice’ dahil nagpi-prepare sa competition

ISANG mahusay na figure skater, maraming awards na ang nakamit ni Misha Fabian mula sa mga sinalihan niyang sari-saring skating competitions sa iba-ibang bansa.

 

Lahad ni Misha, “I’ve joined many competitions over the years, and each one has taught me valuable lessons.”

 

 

Ilan sa mga maituturing ni Misha na highlight ng kanyang karera bilang figure skater ay ang pagiging miyembro ng Philippine National Team (2015-2017) at pagsali sa 2012 Philippine Figure Skating Championships Basic Novice B kung saan pumuwesto siyang 3rd placer; sa 2013/2014 Asian Junior Figure Skating Challenge (Hong Kong) Basic Novice B (2nd place); 2014 Korean Dream Program Closing Games Girls Intermediate (2nd place); bilang official Philippine delegate sa 2014 Korean Dream Program (2-week winter sports training camp and cultural exchange program in Pyeongchang, South Korea); bilang 1st placer sa 2015/2016 Asian Junior Figure Skating Challenge Basic Junior sa Hong Kong; bilang 2nd placer sa 2015/2016 Southeast Asian Trophy for Figure Skating Basic Junior Ladies at sa 2017/2018 Southeast Asian Trophy for Figure Skating Elite Junior Ladies; 2019 at bilang representative at pinakaunang Pilipinong atleta sa 2022 Winter Universiade Representative.Anong edad siya unang nagkaroon ng interes sa figure skating, bakit siya nagkaroon ng interes sa naturang sport activity?

 

 

Kuwento ni Misha, “My first time skating was when I was 6 years old. It was during a classmate’s birthday party, and it was love from the first time I stepped on the ice!

 

 

“I begged my parents for lessons, but I got sick and couldn’t skate. I was finally able to skate recreationally when I was 10, and I joined a few local competitions. I started competing internationally at 15.”

 

 

Isa ring theater actress si Misha; kabilang siya sa cast ng musical play na ‘Rent’ bilang si Ally. Paano at kailan siya nagkainteres sa theater?

 

 

“My parents introduced me to the theater. They brought me with them to New York when I was 2, and they took me to watch Beauty and The Beast on Broadway.

 

 

“It’s been an interest of mine ever since. My dad also loves to sing musical theater songs, and I grew up hearing him sing songs like “This Is The Moment”, “Seasons of Love”, and “Bui Doi”.

 

 

Napanood na ni Misha ang play na ‘Rent’. Mula sa produksyon ng 9 Works Theatrical mapapanood ang Rent (ni Jonathan Larson) simula sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza sa Makati.

 

 

Mapapanood ang ‘Rent’ simula April 20 (Saturday) hanggang May 24 (Friday).

 

 

Nakagawa na ba si Misha ng pelikula o teleserye?Nakasali ba siya sa GMA series tungkol sa figure skaters, ang ‘Hearts On Ice’ nina Ashley Ortega at Xian Lim noong 2023?

 

 

“I’ve done a few short films, and I have done modeling for print and digital ads.

 

 

“I’d love to experience doing a teleserye or a movie, though! I wasn’t able to join Hearts On Ice because I was preparing for a competition.”

 

 

Talent si Misha ng Artist Circle Talent Management ni Rams David.

 

***

 

MAGHAHATID ng tuwa, musika at saya ang dynamic duo ng comedy icons na sina Jose Manalo at Wally Bayola sa The Jose and Wally Show Canada Tour 2024. Ang unang show nila ay sa South Hall Banquet Place, Vancouver sa March 27, 2024.

 

 

Produced ng Fireball Productions–Canada (na ang CEO ay si Loren Ropan at partner Rhodora Soriano), susundan naman ito ng JoWa duo show sa Rajveer Banquet Hall in Calgary on March 30 at 7 p.m.

 

Ang last stop ng tour ay gaganapin naman sa TCU Place in Saskatoon on March 31.

 

Makakasama nina Jose at Wally sa kanilang concert tour ang bandang Pedro & The Hollowblocks.

 

Ang Jose and Wally Canada Tour ay naisakatuparan sa pamamagitan ng manager nina Jose at Wally na si Joel Roslin, ng Kreativ Events & More Phils at ng IAM Agency International.

 

 

Samantala, patuloy ring mapapanood ang comic duo nina Jose at Wally sa gag show na “Wow Mali Doble Tama” sa TV 5 na ngayon ay nasa Season 3 na.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ang laki ng pasasalamat sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’: SANYA, nagkaroon ng pambayad sa bahay at nakabili rin ng lupa

    STARTING tonight, July 29, muling panoorin ang modern fairytale nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) and Nanny Melody Reyes (Sanya Lopez), ang top-rating romantic comedy series na “The First Nanny” sa Netflix Philippines, produced by GMA Entertainment Group.     Nagbahagi naman si Sanya nang ma-interview siya tungkol sa pagpapalabas ng “The First Nanny” sa […]

  • Philippine Charity Sweepstakes Office, nanindigang walang iregularidad sa pagkakapanalo ng higit 400 bettors

    TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na transparent at may integridad ang pagkakapanalo ng mahigit 400 na tumaya at nanalo sa 6/55 lotto.     Kasunod na rin ito ng kaliwa’t kanang mga reaksiyon sa pagkakapanalo ng mahigit 400 na mananaya na mayroong pare-parehong winning number combination.     Ayon kay PCSO General Manager […]

  • 4 drug personalities timbog sa Caloocan at Valenzuela

    Apat na hinihinalang drug personalities ang naaresto ng pulisya sa buy bust opration at isang checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities.       Dakong alas-2:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces ng […]