• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thompson hinirang na PBA MVP

KAGAYA ng inaasahan, na­pasakamay ni guard Scottie Thompson ng Barangay Ginebra ang Most Valuable Player trophy ng PBA Season 46 kahapon sa The Leo Awards.

 

 

Kumolekta ang 28-an­yos na produkto ng Perpe­tual Altas ng 2,836 points pa­ra maging ikalawang Gi­nebra player na nagwagi ng MVP matapos si Marc Ca­guioa noong 2012.

 

 

“Iyong hard work ko, iyong mga nangyari sa bu­hay ko, ang dami ‘di ba, on and off the court,” sabi ng 2015 PBA Draft No. 5 overall pick.

 

 

Tinalo ni Thompson pa­­ra sa award sina TNT Tro­­pang Giga guard Mikey Williams (1,332), Robert Bo­­lick (1,295) ng NorthPort at Calvin Abueva (1,066) ng Magnolia.

 

 

Kinilala si Williams bilang Rookie of the Year.

 

 

Nauna nang hinirang si Thompson bilang Best Pla­­yer of the Conference at Finals MVP ng nakaraang Governors’ Cup na pi­­nagharian ng Gin Kings.

 

 

Nakasama ni Thompson sa Mythical First Team si­na Williams, Abueva, June Mar Fajardo ng San Mi­­guel at Arwind Santos ng NorthPort.

 

 

Nasa Mythical Second Team sina Bolick, CJ Perez ng San Miguel, Christian Standhardinger ng Ginebra, Matthew Wright ng Phoenix at Ian Sangalang ng Magnolia.

 

 

Ibinigay naman kay Ter­rafirma guard Juami Tiongson ang Most Improved Pla­yer award,.

 

 

Si Kevin Alas ng NLEX ang tumanggap ng Samboy Lim Sportsmanship trophy.

Other News
  • Bubble training ng national athletes sisimulan ngayong Enero

    Sisimulan na ngayong Enero ang pagsasanay ng national athletes sa isang bubble setup sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.   Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez, makakababalik na sa ensayo ang mga atleta partikular na ang mga naghahangad na makasikwat ng tiket sa Tokyo Olympics.   “The bubble training that we […]

  • Ads March 16, 2022

  • Duque napaiyak sa pagdinig ng Kamara

    “Winawarak ninyo ang dangal ng Department of Health (DOH)!”     Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Commission on Audit matapos na maging emosyonal at hindi mapigilan ang mapaluha sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) […]