• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiamzon mamumudmod ng mga bola’t net sa LuzVi

MAMAMAHAGI ng bola at net ng volleyball bilang Pamasko  niya sa mga kabatan si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon sa ilang sa Luzon at Visayas.

 

Ito na ang huling proyekto ngayong taon ng ‘YSK Outreach ng Spike and Serve Philippines Incorporated’ na pinamumunuan mismo ng dalagang balibolista

 

Kaya nanawagan pa ang BanKo Perlas Spikers na outside spiker at team skipper sa mga may ginintuang puso na gusto siyang samahan sa kanyang kawanggawa sa nalalapit na pagtitipon.

 

“If meron kayong mga gamit na bola, pero pwede pa gamitin, and if you guys have an extra net na hindi niyo na rin ginagamit hope you can donate it to us so we can send it to the communities who needs our help especially the victims of the typhoons (coz na-washed-out din even their volleyball equipment,” wika ng 25-anyos at may taas na 5-6 na beteranang manlalaro.

 

Pinanapos niyang lahad: “This will be our Christmas gift to them para if okay na lahat and pwede na ulit maglaro they can use it na agad!”(REC)

Other News
  • Jeep vs dump truck: 2 patay, 15 sugatan sa salpukan

    PATAY ang 2 pasahero at sugatan ang 15 iba pa, kabilang ang driver, ng isang jeep matapos sumalpok sa isang dump truck sa westbound Lane ng Marcos Highway, Barangay Dela Paz, Pasig City.   Dead on arrival ang biktimang si Jenny Ann Clariño, 21, at pumanaw na rin ang 31-anyos na foreman na si Joseph […]

  • MARTIN at LIEZEL, deserving na maging Prince Zardoz at Zandra dahil parehong magaling na kontrabida

    NAKILALA na nga noong Biyernes ng gabi ang dalawang magpapahirap sa Voltes V team na sina Prince Zardoz at Zandra sa inaabangang live action series na Voltes V: Legacy na ihahatid ng GMA Network.     Masasabi naming parehong masuwerte ang napili at malaking break ito kina Martin del Rosario na gaganap bilang si Prince […]

  • PDu30, muli na namang dinepensahan si Sec. Duque

    SA hindi na mabilang na pagkakataon ay muli na namang ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III.   Nahaharap kasi si Sec. Duque sa alegasyon ng korapsyon.   Si Duque, chairman ng board of state medical insurer PhilHealth kung saan ang mga opisyal ay inakusahan sa Senate hearing ng pambubulsa […]