TIANGCO BROTHERS MULING NANGUNA SA JOB PERFORMANCE POLL
- Published on November 8, 2023
- by @peoplesbalita
MULING nanguna si Navotas Congressman Toby Tiangco habang nakuha naman ng kanyang kapatid na si Mayor John Rey Tiangco ang ikalawang puwesto sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) noong September 20-30, 2023 sa third-quarter na pagganap ng mga mayor at mga kinatawan ng Metro Manila.
Nakamit ni Cong. Tiangco ang 95.3% job performance rating sa Boses ng Bayan poll para maging Top Performing Representatives sa National Capital Region (NCR) na ibinase sa District Representation, Legislative Performance at Constituent Service.
“Maraming salamat po, makaaasa kayong susuklian namin ng Toby Continued na pagsisikap na makapagbigay ng de-kalidad na programa at serbisyo para tuloy-tuloy ang Saya All sa ating lungsod at sa bawat Navoteño”. pahayag na pasasalamat ni Cong. Tiangco.
Samantala, si Mayor Tiangco naman ay nakakuha ng 92.7% approval ratings.
“Taos-pusong pasasalamat, mga Navoteño, sa inyong tiwala at suporta, isang karangalan po ang patuloy na kayo’y mapaglingkuran. Lalo pa nating pag-iigihan ang paghahatid ng Serbisyong All The Way upang mapataas pa ang kalidad ng buhay sa Navotas”. pasalamat din ni Mayor Tiangco.
Ang magkapatid na Tiangco ay parehong top placer sa mga independent survey na regular na isinasagawa ng RPMD para pasiglahin ang accountability, transparency, at epektibong pamamahala sa bansa. (Richard Mesa)
-
Mahigit P50B halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa ilalim ng administrasyong Marcos —PDEA
TINATAYANG umabot na sa P49.82 bilyong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula Hulyo 1, 2022 hanggang Setyembre 30, 2024. Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kabilang sa ilegal na droga na nakumpiska ng mga awtoridad ay shabu (6,481.16 kilograms); cocaine […]
-
Santiago tinitimbangin pa ang susunod na lalaruan
HINDI tatalikuran ni Pilipina volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang patuloy na paglalaro sa ibayong dagat sakaling hindi pa rin makabalik ang women’s indoor volleyball event ng Philippine SuperLiga (PSL) sa taong ito. Nakakatlong taon na sa Japan V. League sa Ageo Medics Volleyball Team, ipinahayag ng 25-year-old, 6-foot-5 former PH national […]
-
Pinas mas malala na sa India, Indonesia – OCTA
Naniniwala ang OCTA Research Group na walang kaso kung bubuksan na ang Pilipinas sa ibang bansa na dating nasa travel ban dahil sa mas malala na umano ang sitwasyon ngayon ng Pilipinas kumpara sa India, Indonesia at iba pa. Reaksyon ito ni Dr. Guido David, ng OCTA sa desisyon ng pamahalaan na tanggalin […]