• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

TINATAYANG nasa pitong pamilya ang nawala ng tahanan matapos sumiklab ang isang sunog sa Navotas City.

 

 

Nabatid na sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa A. Santiago St. Brgy. Sipac at mabilis na kumalat apoy kaya kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer saka pinagtulungang apulahin ang sunog.

 

 

Sa ulat, umabot sa pitong pamilya o 35 katao ang naapektuhan ng sunog na inaalam pa ng BFP ang tunay na dahilan ng pagsiklab ng apoy habang pansamantala namang nanunuluyan sa basketball court ng barangay ang mga apektadong pamilya.

 

 

Kagaad namang nagtungo sa naturang lugar si Mayor John Rey Tiangco upang kamustahin ang kanyang mga kababayan na naapektuhan ng sunog at nagbigay ng tulong na mga pagkain, inuming tubig at hygiene kits, kasama si Cong. Toby Tiangco na nagbigay din ng ayuda sa mga pamilyang nasunugan.

 

 

“Lubos tayong nagpapasalamat sa ating mga bumbero at mga volunteer, at sa lahat ng mga rumesponde para tumulong na maapula ang sunog”, pahayag ni Mayor Tiangco.

 

 

“Kasama si Cong. Toby nabigyan na po natin ng mga pangunahing pangangailangan at ayuda ang mga pamilyang apektado. Mag-ingat po tayo parati para manatiling ligtas sa anung sakuna”, paalala niya. (Richard Mesa)

Other News
  • NBA, binabalak isagawa ang All-Star Game sa March 7 sa Atlanta

    Binabalak umano ng NBA at players association na isagawa pa rin ang All-Star Game.     Maari aniyang mangyari ito sa March 7 nitong taon.     Pinag-iisipan ng liga na gawin ito sa Atlanta.     Kung maaalala ang orihinal na schedule ay sa susunod na buwan na sana ang 2021 All-Star Game sa […]

  • DOJ, inatasan ni PDu30 na inimbestigahan ang korapsyon sa buong gobyerno

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte InterAgency Task Force led sa pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang korapsyon sa buong pamahalaan.   Ipinag-utos din ng Pangulo sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   “It behooves upon me to see to it […]

  • PBA players dismayado sa ‘pambababoy’ sa laro

    Binatikos ng ilang PBA play­­-­­­ers at coaches ang umano’y “pambababoy” ng ilang players sa kasalukuyang VisMin Super Cup na naka-bubble setup sa Alcantara, Cebu.     Nanguna sa listahan ng mga pumuna si NLEX player Kiefer Ravena na lubos na nalungkot sa pambabastos sa sport na nagsisilbing kabuhayan ng maraming players.     “Sad to […]