Tiger Woods magbabalik na sa paglalaro ng golf matapos ang aksidente
- Published on December 10, 2021
- by @peoplesbalita
Naghahanda na si Tiger Woods sa paglalaro nito ng golf.
Ito ay matapos ang halos 10 buwan mula ng maaksidente ito.
Pumirma na ito kasi para sa maglaro sa PNC Championship kasama ang anak.
Gaganapin ang torneo sa Florida sa Disyembre 16.
Bagamat hind ito katulad ng Masters ay isa rin itong 36-hole event na makakasama ang anak na si Charlie Woods.
Makakalaban nila ang ilang sikat na pangalan sa golf gaya nina John Daly, Justin Thomas at Bubba Watson.
Taong 2020 ay naglaro na rin ang mag-ama kung saan nagtapos sila sa pang-pitong puwesto.
Magugunitang noong Pebrero ng mahulog ang kotse ni Woods sa bangin habang patungo ito sa isang golf tournament sa California.
Nagtamo ito ng matinding injury sa kaniyang kanang paa.
-
PBA gusto nang lumaraga sa June 15
Target ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang PBA Season 46 Philippine Cup sa Hunyo 15. Ito ang inihayag ni Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua matapos makakuha ng go-signal sa Inter-Agency Task Force (IAFT) para sa training at scrimmages ng 12-koponan. “We are thinking of June 15,” ani […]
-
Rockets sabog sa Lakers
Pinabagsak ng Los Angeles Lakers sa pangunguna ng super tandem nina LeBron James at Anthony Davis ang nanghihinang Houston Rockets, 110-100, sa Game 4 ng kanilang NBA playoffs best-of-seven semifinals series na ginaganap sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Orlando, Florida. Hindi na pinaporma ng Lakers ang Rockets simula 1st quarter hanggang 4th […]
-
Tulak na ginang, nadakma ng DDEU-NPD sa drug bust, higit P.4M shabu nasamsam
MAHIGIT P.4 milyong peso halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak na ginang na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug […]