Tiger Woods pangatlong atleta ng US na nasa billionaires list ng Forbes
- Published on June 13, 2022
- by @peoplesbalita
KASAMA na si golf star Tiger Woods sa listahan ng bilyonaryo na manlalaro sa buong mundo.
Inilabas ng Forbes magazine ang nasabing pagsali ni Woods sa billionaires list isang linggo ng masali si NBA star LeBron James.
Base sa Forbes na aabot sa mahigit $1.7 bilyon ang yaman nito na karamihan ay galing sa mga larong sinalihan at ang iba ay mula sa mga endorsement nito ng iba’t-ibang brand.
Magugunitang noong nakaraang taon ay naaksidente ang 46-anyos na US golf star habang ito ay patungo sa isang golf tournament sa California.
Dahil dito ay pangatlo na si Woods sa atleta ng US na nasa billionaires list na una ay si NBA legend Michael Jordan.
-
Sen. Pacquiao, hindi payag ng exhibition game
Ipinapasa-Diyos ni Senator Manny Pacquiao kung ilang laban pa ang gagawin. Sa interview, inihayag na fighting senator na in God’s will kung sino ang susunod niyang makakasagupa sa ibabaw ng ring. Nilinaw nito na wala pang final na decision na negosasyon sa sino mang boksingero pati ang magiging petsa ng laban. Inamin […]
-
Imee Marcos, pinasalamatan ni VP Sara para sa pagsuporta sa pamilya Duterte
PINASALAMATAN ni Vice President Sara Duterte si Senador Imee Marcos para sa pagsuporta nito sa kanyang pamilya kahit pa nauwi ito sa tuluyang pagkakaroon ng tampuhan ng mag-pinsan na sina Imee Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Sa naging mensahe ni VP Sara, sinabi nito na ‘proud’ ang kanyang sa pamilya sa […]
-
Superliga beach volleyball, kinansela
TULUYAN nang kinansela ng Philippine Superliga ang kanilang Beach Volleyball Cup dahil sa pananalasa at matinding epekto sa bansa ng super bagyong Rolly. Sinabi ng PSL na nagkasundo na lamang sila na ituloy sa Pebrero 2021 ang kompetisyon. Ayon sa ulat, target sanang isagawa ng beach volleyball nitong Nobyembre 26-29 sa Subic Bay […]