Time out muna sa pagtulong kay Dingdong: BENJIE, magtuturo sa aspiring basketball players sa Cebu
- Published on August 5, 2023
- by @peoplesbalita
TIYAK na mapapa-‘shoot that ball’ ang mga Cebuano young hoopers sa pagdayo ni Benjie Paras sa Lapu-Lapu City ngayong araw, August 5 para sa ‘GMA Masterclass: The Sports Series.’
Time out nga muna si Otep (Benjie) sa pagtulong kay Napoy (Dingdong Dantes) resolbahin ang pagkamatay ni Don Gustavo (Tirso Cruz III) sa ‘Royal Blood’ dahil magtuturo muna si Benjie sa aspiring basketball players sa Lapu-Lapu Auditorium, Brgy. Poblacion, Lapu-Lapu City.
Makakasama rin ni Benjie na kilala as “The Tower of Power” sa pro basketball, ang NCAA athlete at San Sebastian Golden Stags player na si Alex Desoyo Jr.
Noong July 15, nagtungo sa Bacolod City ang ‘GMA Masterclass: The Sports Series’ kasama si basketball legend Noli “The Tank” Locsin at Miggy Corteza ng Benilde Blazers. Very successful ang naging event dahil pinuntahan ito ng mga aspiring young athletes na talaga namang natuto, nag-enjoy at na-inspire.
***
SA kabila ng tagumpay, kasikatan at kayamanan ay hindi nagbabago si Alden Richards, base na rin sa opinyon ng mga taong nakatatrabaho at nakasasalamuha niya.
Kaya tinanong namin si Alden, bakit hindi siya nagbabago, bakit nananatiling nakatuntong ang mga paa niya sa lupa?
“Utang na loob po. Yung utang na loob ko sa mga tao na gumawa para maging… na tinulungan po ako para maging posible yun.
“Yung hindi ko siya nakuha, of course, by myself alone, hindi ko po kine-credit na ako lang lahat ito, e. Hindi.
“Kumbaga itong success ko po is a collective effort of all the people who love me and supported me.
“And I think isa po yun sa mga reasons na nagga-ground po sa akin, para hindi… kasi ganun yun e, kapag, feeling ko po kasi, from my point of view lang po ito, opinyon ko lang po, kapag lahat ng bagay, lahat ng mga success mo in-attribute mo sa sarili mo, dun ka yayabang.
“Parang ‘pag… dahil sa akin kaya may ganito, dahil sa akin kaya ganyan, dahil sa akin kaya naging successful ito. So… actually kinikilabutan po ako ‘pag pumapasok sa isip ko na i-credit yung sarili ko.
“Hindi ko kaya. So yon po yung isa sa mga napangalagaan ko sa sarili ko, yung utang na loob. Napaka-importante, kahit na itong mga taong ‘to hindi humihingi ng kapalit, I think those people are the ones na dapat talagang alagaan sa buhay mo.
“Yung tumutulong ng walang kapalit. Iyon po yung mga dapat inaalagaan. And those people are the ones who are keeping me grounded most of the time.
Nakatituwa naman ang sagot ni Alden sa tanong kung sino pang personalidad ang nais niyang i-portray o gampanan sa ‘Magpakailanman’.
“Sa ngayon po siguro, si FLG, si Mr. Gozon! Okay yun, kung papayag po si Boss,” ang tumatawang sagot ni Alden sa amin na ang tinutukoy ay ang Chairman at CEO ng GMA Network.
Ang apat na episodes ng ‘Magpakailanman’ ni Alden ay ang “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story” kung saan kasama niya si Sanya Lopez, sa direksyon ni Neal del Rosario, pangalawa ang “Epal Dreamboy: The Richard Licop Story”, kasama rito si Lotlot de Leon, sa direksyon ni Irene Villamor, pangatlo ang “The Lost Boy” (sa direksyon rin ni Irene Villamor) kung saan gaganap si Alden bilang isang lalaking mapapadpad sa buhay na puno ng krimen na tiyak na magpapakita ng “the other side” ni Alden at pang-apat ang “Sa Puso’t Isipan: The Andrew Cantillana Story” sa direksyon ni Gina Alajar.
Ang month-long special ng ‘Magpakailanman’ ay magsisimula na ngayong 8:15 ng gabi sa GMA. Naka-livestream din ito nang sabay sa official YouTube channel at website ng GMA Network.
***
PAGKAKATAON na ng mga bayaning delivery riders para maging artista at makasama ang mga bigating Kapuso stars!
Naghahanap kasi ang GMA Public Affairs ng mga delivery riders na mapapabilang sa upcoming primetime series na ‘Black Rider’ starring Ruru Madrid.
Para sa chance na mapili, kinakailangan lamang i-post sa social media ang audition video na nagpapakita ng talent or skill at kumbinsihin ang screening team kung bakit karapat dapat na maging bahagi ng series. Huwag ding kalimutang gamitin ang hashtag na #SamaAkoBlackRider.
Anong pang hinihintay ninyo, mga Kapusong delivery riders? Malay ninyo, kayo na ang susunod na makakatrabaho ng iba pang ‘Black Rider’ stars gaya nina Kylie Padilla at Matteo Guidicelli.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Ads August 4, 2021
-
World Dragon Boat hahataw na sa Palawan
AARANGKADA na ngayong araw ang ICF Dragon Boat World Championships tampok ang matitikas na paddlers mula sa iba’t ibang panig ng mundo na sasabak sa Puerto Princesa Baywalk sa Palawan. Pinakamalaki ang delegasyon ng host Philippines na may 200 entries sa naturang torneo habang ikalawa naman ang India na nagpadala ng 140 entries. […]
-
Pagbati bumuhos kay retired NBA great Dwayne Wade matapos maging co-owner ng Utah Jazz
Bumuhos ang pagbati kay retired NBA player Dwayne Wade matapos kumpirmahin nito na kabilang na siya sa may-ari ng NBA top team ngayon na Utah Jazz. Kung maalala huling naglaro si Wade, dalawang taon na ang nakakalipas sa ilalim ng Miami Heat kung saan inabot siya ng 14 na season. Ang […]