• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Timely announcement’ ng gov’t work, class suspension, pangako ng DILG

NANGAKO ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng maagang anunsyo ng suspensyon ng trabaho sa gobyerno at mga klase isang araw bago pa ang pagdating ng bagyo.

 

Pinahintulutan kasi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang departamento na ianunsyo ang suspensyon sa mga pagkakataon na may masungit at masamang panahon.

 

Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na noong siya ay Cavite governor ay ginagawa na niya ang pag-anunsyo ng suspensyon ng trabaho at klase isang araw bago pa dumating ang bagyo.

 

“When I was governor of Cavite, I was always a day ahead,” ang sinabi ni Remulla.

 

Aniya pa, gagamitin ang data mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), at maging ang US’ Joint Typhoon Warning Center (JTWC), Windy.app, at Japan Meteorological Agency para gumawa ng “forecast model” na siyang magiging basehan para sa pag-anunsyo ng suspensyon. (Daris Jose)

Other News
  • Speaker Romualdez binati ni GMA sa mataas na rating

    Binati ni dating Pangulo at ngayon ay House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Speaker Ferdinand Martin  Romualdez sa mataas trust rating na nakuha nito sa survey ng OCTA Research. “I would like to congratulate House Speaker and Lakas President Martin Romualdez on the recent OCTA Research Report reflecting a +6% increase […]

  • MM provincial bus operations posibleng buksan

    May mga provincial bus routes papunta at galing sa Metro Manila ang puwede ng muling buksan kung saan sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang ginagawaan ng paraan na mangyari.   Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang kanilang ahensiya ay naghahanda na para sa muling pagbubukas ng ilang provincial […]

  • Malakanyang, pinalagan ang ‘hallucination’ ni Digong Duterte na attack dog ng admin si Trillanes

    AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una.   “Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa […]