Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas tumuntong na lagpas 2.6 milyon
- Published on October 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,748 bagong infection ng coronavirus disease, Lunes, kung kaya’t nasa 2.6 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 2,604,040
- nagpapagaling pa: 106,160, o 4.1% ng total infections
- bagong recover: 16,523, dahilan para maging 2,459,052 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 61, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 38,828
50% vaccination next month?
- Nadagdagan naman ng nasa 21 pang kaso ng labis na nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas, bagay na nanggaling daw sa mga samples na Abril hanggang Hunyo pa raw kinuha. Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mababa ang bilang ng mga nasabing Delta infections dahil sa kakaonti pa lang ito noong mga nakaraang buwan.
- Pumatak naman na sa 8 milyong katao sa Pilipinas ang nakakukuha ng kumpletong proteksyon mula sa COVID-19 vaccinesayon sa pinakahuling talaga ng gobyerno. Ito’y matapos tagumpay na makapagturok ng 46.38 doses ng bakuna sa bansa simula Marso.
- Pagtataya ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kanina sa briefing ng Palasyo, tinatayang hihigit sa 50% na ng populasyon ang mararating ng COVID-19 vaccines pagdating ng Nobyembre.
- Kaugnay niyan, sinabi naman ni presidential spokesperson Harry Roque na nasa 75% na ng populasyon ng Metro Manila ang fully vaccinatedlaban sa kinatatakutang virus.
- Samantala, magsisimula naman na sa anim na pilot hopspitals sa ika-15 ng Oktubre ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng mga menor de edad na may comorbidites. Sakop ng uunahing may mga karamdamang bata ang 11 sakit na tinukoy ng DOH.
- Umabot na sa 233.5 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 4.77 milyong katao. (Daris Jose)
-
DFA naghain ng dalawang bagong diplomatic protest vs China
Dalawang panibagong diplomatic protest ang inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China matapos na mataan ang 160 Chinese vessels sa karagtang sakop ng Pilipinas. Sa isang diplomatic note na may petsang Abril 21, sinabi ng DFA na ang presensya ng mga barkong ito sa West Philippine Sea ay hayagang pagtapak […]
-
Ads July 21, 2023
-
P2-M ecstasy, naharang sa NAIA; Kukuha ng parcel, timbog
NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang parcel na naglalaman ng halos P2 milyong halaga ng ecstasy pills sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City. Pawang mga galing sa Leusden, Netherlnds ang mga […]