TNT lalapit sa finals
- Published on October 14, 2024
- by @peoplesbalita
LALAPIT ang nagdedepensang TNT Tropang Giga sa pagdakma sa championship ticket, habang mag-uunahan ang San Miguel at Barangay Ginebra sa 2-1 lead sa Season 49 PBA Governors’ Cup semifinal series.
Hawak ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven semis showdown, sasagupain ng Tropang Giga ang Rain or Shine Elasto Painters sa Game Three ngayong alas-7:30 ng gabi sa Dasmariñas City Arena sa Cavite.
Tinalo ng TNT ang Rain or Shine sa Game One, 90-81, at sa Game Two, 108-91, para makalapit sa pang-23 finals appearance target ang ika-10 korona.
“We can’t take our foot off the pedal,” ani Tropang Giga coach Chot Reyes sa serye nila ng Elasto Painters. “It’s nice to be up 2-0, but it takes four (wins) to get to the next stage.”
Muling aasahan ng TNT sina import Rondae Hollis-Jefferson, Calvin Oftana, Roger Pogoy, Jayson Castro at Henry Galinato katapat sina reinforcement Aaron Fuller, Beau Belga, Jhonard Clarito, Andrei Caracut at Adrian Nocom ng Rain or Shine.
Naniniwala si Elasto Painters’ mentor Yeng Guiao na makakaisa sila sa Tropang Giga.
“When you’re down 0-2, survival mode ka na. We just want to win one game and hope the momentum shifts,” ani Guiao.
Paglalabanan naman ng Beermen at Gin Kings ang 2-1 lead sa kanilang serye sa alas-5 ng hapon.
Inangkin ng Ginebra ang Game One, 122-105, bago nakatabla ang San Miguel sa Game Two via overtime, 131-125.
Sasandigan ng SMB sina import EJ Anosike, eight-time PBA MVP June Mar Fajardo, CJ Perez, Marcio Lassiter at Terrence Romeo na nagsalpak ng siyam sa kanyang 26 points sa extension.
-
3 LRT 2 stations na nasunog malapit ng buksan
Ang tatlong (3) Light Rail Transit 2 (LRT2) stations na nasunog noong 2019 at nahinto ang operasyon ay mabubuksan na sa first quarter ng taon. Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang Anonas, Katipunan, at Santolan stations ay muling mabubuksan ang operasyon sa unang quarter ng taon. Ang nasabing tatlong stations ay […]
-
NCR mananatili sa GCQ – Duterte
INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City. Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive. “Ang […]
-
Eala at Spoelstra, naispotan sa Miami
Nagkita si Miami Heat coach Eric Spoelstra at Filipina tennis star Alex Eala. Sa social media account ng Heat ay ibinahagi nila ang larawan na magkasama sina Spoelstra at Eala. NItong Huwebes ay tinalo ng Heat ang New York Knicks 127-120. Habang si Eala ay naglaro sa Miami Open tennis pero nabigo […]