• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympics: Ilang torch relay staff, nagpositibo sa COVID; torneyo, tuloy kahit ‘closed doors’

Nasa walong miyembro na ng Tokyo Olympics torch relay sa Kagoshima, Japan, ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID).

 

 

Ayon sa mga otoridad, ang mga naapektuhan ng COVID ay responsable sa pagkontrol ng traffic sa nasabing bansa.

 

 

Tatlo sa kanila ay nagtatatrabaho sa Lungsod ng Amami, habang tatlo ay sa Kirishima City.

 

 

Nakasuot naman anila ang mga ito ng face mask ngunit dinapuan pa rin ng deadly virus.

 

 

Noong March 25 nang magsimula ang Japan leg ng torch relay na una nang nakansela dahil sa takot na baka magkahawaan ang ibang atleta at staff.

 

 

Samantala, posibleng closed doors o walang audience ang gaganaping 2021 Tokyo Olympics.

 

 

Habang ang panonood naman ng mga domestic fans ay pagdedesisyunan pa hanggang sa darating na Hunyo.

Other News
  • COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research

    BAHAGYANG  bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.     Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.     Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat […]

  • “The melody that fills my heart with joy…” MARIAN, pinaiyak ni DINGDONG sa sweet birthday message

    PINAIYAK pala ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang wife niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng beautiful words ng kanyang pagbati nang mag-celebrate ng 39th birthday ang aktres last Saturday, August 12.      Sa pamamagitan ng Instagram Reel pinakita ang sweet moments nila mula sa kanilang wedding, sa GMA Gala, their travels at […]

  • Umano’y pagpasok ng India COVID-19 variant sa bansa, tunay na nakababahala – OCTA

    Magiging malaking problema umano ng Pilipinas kung totoo ang mga ulat na nakapasok na sa bansa ang Indian variant ng coronavirus disease.     Ayon kat OCTA Research fellow Dr. Guido David, malaki ang magiging epekto ng nasabing variant kung kakalt ito sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lugar dahil hindi raw […]