• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympics organizers walang papayagan audience mula sa ibang bansa

Nagpasya ang Japan na walang mga audience na mula sa ibang bansa sa hosting nila ng Tokyo Olympics at Paralympics.

 

 

Ang nasabing hakbang aniya ay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

 

Nakatakdang makipagpulong ang Japanese government at Japanese organizing committee ng Summer games sa International Olympic Committee para sa nasabing usapin.

 

 

Sinabi ni Seiko Hashimoto ang pangulo ng Japanese committee na gagawin ang torch relay ng walang audience para hindi na sila mangamba sa pagkahawa at pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.

 

 

Magugunitang umabot sa $15 billion ang nagastos ng gobyerno mula ng kanselahin ang Olympics noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Gaganapin ang opening ceremony ng torneo sa Hulyo 23.

Other News
  • Kiefer gigiya sa Gilas sa tune-up

    PAMUMUNUAN  ni Kiefer Ra­vena ang Gilas Pilipinas na sasabak laban sa South Korea sa exhibition games na idaraos sa Hunyo 17 at 18 sa Anyang Gymnasium sa Gyeonggi-do, South Ko­rea.     Kasama si Ravena sa 12-man lineup na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa friendly matches na mag­sisilbing preparasyon para sa […]

  • “Climate change, hindi protocol ng dam ang rason sa malawakang pagbaha”- Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS– Sa kanyang pinakabagong pahayag, sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan na ang malawakang pagbaha na naranasan ng ilang lalawigan kabilang ang Bulacan matapos masalanta ng Bagyong Ulysses ay dulot ng climate change, na bunga ng aktibidad ng tao at pagwawalang-bahala sa kalikasan, at hindi dahil sa water management protocol ng […]

  • Para sa kanila kaya ito ni Rayver?… JULIE ANNE, ipinasilip ang nabiling lote na patatayuan ng rest house

    IPINASILIP ni Julie Anne San Jose ang ground breaking ng kanyang nabiling lote.   At sa pictures na ipinost niya, makikitang kasama pa rin niya ang rumored boyfriend na si Rayver Cruz. Walang detalyeng inilagay si Julie Anne sa kanyang post. Pero base sa nalaman namin, halos 4,000 square meters daw ang lote nito sa Tagaytay. […]