Toll fee sa Cavitex libre buong Hulyo –PBBM
- Published on June 24, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG buwan na libreng toll fee ang alok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga motorista na dadaan sa Cavitex simula sa Hulyo.
Ginawa ng Pangulo ang anunsiyo sa groundbreaking ng Cavitex-Calax link at Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng pagbubukas ng Cavitex C5 link Sucat interchange.
Ito ay matapos irekomenda ng Philippine Reclamation Authority na nagsisilbing operator ng Cavitex na gawing libre ang paggamit sa kalsada.
Iiral ang toll holiday sa buong buwan ng Hulyo sa lahat ng klase ng sasakyan.
“This is especially so after receiving the good news that the PRA or the Philippine Reclamation Authority, as operator of the CAVITEX, proposed to suspend the collection of toll fees for all types of vehicles passing through the Manila-Cavite Toll Expressway in Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, and Kawit for thirty days. This will introduce our new roads, expressways to those who are in need of that transport system,” pahayag ni Pangulong Marcos sa groundbreaking ng Cavitex-Calax Link, Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng Cavitex C5 Link Sucat Interchange sa Parañaque City.
Ayon sa Pangulo, bunga ang proyekto ng Private-Public Partnership projects ng PRA, Cavitex Infrastructure Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation.
Tinataya naman na nasa 23,000 motorista ang makikinabang araw-araw sa bagong kalsada. (Daris Jose)
-
TRB: RFID 3-strike policy tuloy na sa May 15
Sisimulan nang ipatupad ng Toll Regulatory Board ang 3-strike policy kung saan pagmumultahin ang mga motorista na gumamit ng tollways’ cashless lanes kahit na kulang ang load. Ayon sa mahigpit na regulasyon ng TRB, ang mga lalabag sa policy ay bibigyan ng warning sa una at ikalawang offenses. Sa ikaltlong offense naman ay […]
-
PUNERARYA SA MAYNILA NA MAGPAPAHINTULOT NG INUMAN SA LAMAY, BABAWIIN ANG BUSINESS PERMIT
BABAWIIN ang business permit at hindi papayagan na mag-operate ang sinumang punerarya sa Lungsod ng Maynila na nagkakaroon ng oniman sa lamayan, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso. Ang naturang babala ay sinabi ni Domagoso sa kanilang isinagawang lingguhang pagpupulong kasama ang mga Department Heads at mga opisyal ng Manila City Hall ngayong […]
-
$2-M ADB grant para suportahan ang ‘Odette’ relief ng Pilipinas
INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang $2-million grant para suportahan ang emergency response ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nasalanta at nawasak na lugar sa central at southern provinces dulot ng bagyong Odette. Ang bagyong Odette ang itinturing na “strongest typhoon” na tumama sa bansa noong nakaraang taon. Ang grant […]