• March 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Toll fees sa NLEX at SCTEX magiging ‘cashless’ na

Magiging ‘cashless’ na ang lahat ng mga toll lanes ng dalawang pangunahing tollways sa Northern Luzon dahil sa pagpapatupad ng RFID stickers.

 

Ayon sa Metro Pacific Tollways Corp., ang nag-ooperate ng North Luzon Expressways at Subic-Clark-Tarlac Expressway, magsisimula ang nasabing cashless tollway bago ang Nobyembre 2.

 

Ang nasabing hakbang ay para maiwasan na rin ang posibleng pagkahawa ng coronavirus.

 

Nakasaad na rin ito sa kautusan mula sa Department of Transportation (DoTR).

 

Sinabi ni Toll Regulatoy Board (TRB) Executive Director Abe Sales, naapektuhan ang NLEX operations matapos na ang ilan nilang empleyado ay nadapuan ng COVID-19.

 

Nauna na ring sinabi ng NLEX Corporation na kanila ng tatanggalin ang Easytrip Tags sa Setyembre 30 at lilipat na sila sa RFID.

 

Sa normal kasi na pagbabayad ng toll ay aabot sa 9-12 seconds habang ang RFID ay tatlong segundo lamang ay makakadaan na sa toll.

Other News
  • ROLLOUT NG PFIZER COVID-19 VACCINES, SINUMULAN NA SA NAVOTAS

    NAGSIMULA  na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ng inoculation sa mga rehistradong residente at mga manggagawa sa ilalim ng A2 at A3 priority group ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines.     Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,170 vials, bawat isa ay naglalaman ng anim na doses, mula sa unang batch ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines […]

  • Two Young Souls Navigate the Unpredictable Twists and Turns of Fate in “When Magic Hurts”

    ‘WHEN Magic Hurts’ is a romantic comedy film about a docile young guy, Ernest (played by Beaver Magtalas) and a miserable girl, Olivia (played by Mutya Orquia) stumble upon each, other in the breathtaking mountains of Atok, Benguet and find comfort mutually with the help of love and magic.   Synopsis: “In the stunning Atok […]

  • Remulla sa mga LGUs, paigtingin ang inspeksyon para tuluyang malipol ang POGOs

    HINIKAYAT ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang pag-iinspeksyon upang matiyak na tuluyang mapupuksa ang natitirang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. “Mensahe ito sa lahat ng LCE [local chief executives], husayan n’yo trabaho, siguraduhin n’yong inspeksyunin n’yo lahat ng mga building. Kayo rin ang mananagot […]