• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 2 at 3 Most Wanted Person sa Navotas, nalambat

BINITBIT sa loob ng selda ang dalawang lalaki na listed bilang top 2 at 3 most wanted sa Navotas City matapos matimbog sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya, kamakalawa sa naturang lungsod.

 

 

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong ala-1:05 ng hapon nang maaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 1 sa isinagawang joint manhunt operation si Rommel Morris, 35, pedicab driver, sa kanyang bahay sa Galicia extension St., cor. Lapu-lapu st., Brgy. Bangkulasi, Navotas City.

 

 

Si Morris na listed bilang top 2 most wanted sa lungsod ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ronald Que Torrijos, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288, Navotas City, para sa kasong Murder (RPC ART. 248).

 

 

Nauna rito, nadakip din ng mga tauhan ng WSS, Intelligence Section at Sub-Station 4 sa joint manhunt operation si Reynaldo Tagle, 54, sa kanyang bahay sa Blk 34B Lot 45 Phase 2 Area 2 Dagat Dagatan NBBS, Navotas City dakong alas-7:45 ng gabi.

 

 

Si Tagle na listed bilang top 3 most wanted sa lungsod ay inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest ni Hon. Carlos M. Flores, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Malabon City, para sa kasong Rape under Art, 266 of RA 7610 and VIOL. OF SEC. 5 (B) OF RA 7610. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga bagets, mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines

    TINIYAK ng Malakanyang na mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ang mga teenager o mga bagets sa oras na maging available na ang suplay.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ihayag ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) na nakatakdang i- modify o baguhin ang emergency use authorization (EUA) […]

  • Pinas, handang makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan – Bersamin

    HINDI na paabutin pa ng Pilipinas sa mas mataas na international body ang pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal.     Ito ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasabay ng kahandaan ng Pilipinas na makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan.     Tinanong kasi si Bersamin sa press briefing sa Malakanyang kung kinokonsidera ng […]

  • Negosyante, 3 pa, timbog sa P 180K marijuana

    ARESTADO ang apat kabilang ang isang negosyante matapos makuhanan ng nasa P180K halaga ng marijuana nang inguso sa mga pulis ng concerned citizen ang kanilang iligal na gawain sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ng bagong hepe ng Caloocan City Police na si P/Col. Dario Menor ang mga naarestong suspek na si Paul […]