• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 3 most wanted person ng Navotas, nakorner sa Caloocan

NALAMBAT ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang 22-anyos na lalaki na nasa top 3 most wanted person sa Navotas sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni DSUO chief PLTCOL Robert Sales ang naarestong akusado na si alyas “Badjao” ng Brgy. 28, Caloocan City na pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng DSOU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapaz, sinabi ni Lt Col. Sales na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng akusado sa kaya bumuo siya ng team sa pangunguna ni P/Major Marvin Villanueva para sa gagawing pagtugis kay ‘Badjo’.

 

 

Kasama ang mga tauhan ng NPD-DID, Northern NCR Maritime Police Station at WSS ng Navotas police, agad nagsagawa ang DSOU ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-3:30 ng hapon sa kahabaan ng Blk. 14 Pamasawata Brgy., 28 Caloocan City.

 

 

Ani Maj. Villanueva, binitbit nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Romana Maria Melchora P. Lindayag-Del Rosario ng Branch 287, Navotas City noong January 30, 2024 para sa kasong Murder.

 

 

Sinabi ni Lt Col. Sales na ang pagkakaaresto sa akusado ay alinsunod sa inilitag na agenda ng Chief PNP na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations”. (Richard Mesa)

Other News
  • Take-off, landing at parking fees ng local carriers hinto muna

    PANSAMANTALANG tatanggalin ng mga local carriers sa bansa ang take-off, landing at parking fees alinsunod na rin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa malaking epekto ng 2019 coronavirus infectious disease (COVID-19) sa turismo ng Pilipinas.   Sa isang punong-balitaan, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Gen. Manager Ed Monreal, ang hakbang na […]

  • Imbestigasyon kaugnay sa vote-buying complaints, gagawing priority ng DOJ

    INIHAYAG ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang Department of Justice (DOJ) at iba pang kaugnay na ahensya ay magbibigay ng “preferential attention” sa mga reklamong may kinalaman sa vote-buying upang ang mga kaso ay mabigyan ng mabilis na resolusyon.     Aniya, ito ay sa loob lamang ng limitadong panahon kung saan “panahon lamang […]

  • Mga baril, bomba nahukay sa sugar mill ni ex-Governor Teves

    IBA’T ibang uri pa ng mga baril at pampasabog ang nahukay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa sugar mill ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves kamakalawa ng gabi sa Sta. Catalina, Negros Oriental.     Gamit ang backhoe, sinabi ni CIDG legal officer Col. Thomas Valmonte, nahukay sa […]