• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 6 most wanted person ng Mandaon, Masbate nalambat sa Valenzuela

NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na nakatala bilang top 6 most wanted sa bayan ng Mandaon, Masbate matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Mario Rubis, 43, tubong Mandaon, Masbate at residente ng Area 4, Pinalagad St., Brgy. Malinta.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police hinggil sa pinagtataguang lugar sa lungsod ng akusado.
          Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista, kasama ang Detective Management Unit (DMU), 5th MFC, RMFB, NCRPO, at Warrant PNCO ng Mandaon MPS, Masbate PPO ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang tinutuluyang bahay sa Brgy. Malinta, dakong 12:30 ng hapon.
          Ani Lt. Bautista, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mary Flor D. Tabigue-Logarta ng Regional Trial Court Branch 44, Masbate City, Masbate noong September 16, 2021, para sa kasong Murder. (Richard Mesa)
Other News
  • LGUs handang maglabas ng ordinansa para sa mandatory vaccination – LPP

    Bukas si League of Provinces of the Philippines (LPP) president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa ideya na maglabas sila ng ordinansa para sa mandatory vaccination kontra COVID-19.     Nakapaloob aniya sa ilalim ng Local Government Code ang clause hinggil sa general welfare na nagpapahintulot sa mga local government units na magpasa ng […]

  • Pinas, kailangan na maging maingat sa kaso ni Mary Jane Veloso – Malakanyang

    ISUSULONG ng gobyerno ng Pilipinas ang deliberasyon sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang Filipino worker na nasa  death row  ng 12 taon sa Indonesia dahil sa kasong illegal na droga.     Tugon ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nang tanungin kung bibisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Veloso na nananatiling nakakulong sa […]

  • DOH: Pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, itutuloy na

    Itutuloy na ng Pilipinas ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca.     Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos na pansamantalang ipatigil ang pagbabakuna gamit ang naturang vaccine brand.     “Based on current evidence, Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) is a very […]